“TULOY-TULOY NA ANG ARAW NG PHF SA LINGGO”

PHF News · Tags:

“TULOY-TULOY NA ANG ARAW NG PHF SA LINGGO”
KUWENTONG MANANAYA
By BUTCH MANIEGO For Tumbok 04-10-2007

Matapos ang matagumpay na paglulungsad ng website at grand eyeball ng horsepower.com kamakailan sa Santa Ana Park, isa pang grupo ng mga internet karerista ang magsasagawa ng malaking pagtitipon sa darating na Linggo, ika-15 ng Abril, sa San Lazaro Leisure Park.

Ang naturang grupo ay tinatawag na Pinoy Horse Fanatics or PHF (www.phf.com.ph) na kasalukuyan ay may 1,986 members sa listahan nguni’t makatitiyak ako na mga 20% lamang dito ang maituturing naa talagang active o halos at least once a week ay naglo-log on sa site.

Ang PHF ay inumpisahan ng site owner na si Ramil Uchi upang maging isang website kung saan puwedeng magpalitan ng kuro-kuro ang mga kasapi at kahit masasabing may mga ups and downs ang naturang grupo sa loob ng dalawang taon halos na alam kong ito ay nabuo, naging lalong matibay ang pagsasama dahil sa pamunuan ng mga moderators at myembro nito.

Hindi kagulat-gulat na dahil puro ROU (registered online users) ang nasa PHF karamihan ay hindi pa magkakakilala. Inaasahang magbabago iyan sa April 15 sa pagdalo ng mga miyembro sa Carmona, Cavite at imbitado rin ang mga nais sumapi sa grupong ito.

Ang major race sa araw na ito ay ang Philracom 3YO Colts Race na marahil ay huli nang prep race para sa 2007 Triple Crown series pero para maging lalong makabuluhan ang araw na ito ay kumuha ng sponsors para sa maraming trophy races ang PHF members at magbibigay din ng ilang piling awards na mula mismo sa mga kasapi tulad ng best trainer, best professional jockey at best apprentice jockey.

Masyadong maraming actively involved sa gagawing proyekto ito at delikadong mag-enumerate dahil tiyak na may makakalimutan ako pero sigurado akong walang sasama ang loob kapag inuna kong saluduhan si gogirl, filheights, secretariat, alasan, vivi_la_vivi, fairnsquire, tedbor, ernest_locco, Layo, emie_special, sametym_sameplace, heat-of-love at foxtrot.

Marami ding nakuhang sponsors among the horseowners and some giant corporations kaya inaasahang tunay na bongga ang event na ito na inihanda ng mga karerista para sa mga kapwa karerista. Suportahan nating lahat.

Meanwhile, nakuha ng dikit na segunda lyamadong si Treasured Ack ang Philracom-sponsored 3YO Fillies Stakes Race at inilagay niya ang kanyang sarili bilang isa sa mga paborito sa first leg ng Triple Crown next month.

Ang anak ng istalyong si Treasure Cay mula kay Belle of Ack na pag-aari ni Nel Velasco at inihahanda ni JMP Jacob ay naorasan ng 1:35 sa distansyang 1,500 meters upang makuha ang top prize na P780,000. Dumating siya sa meta na dalawang kabayo ang abante kay Condoleeza, ang tanyag na kabayo ni Hermie Esguerra na na-lyamado ng bahagya.

Inabot ni My Neneng para sa tersero ang Cat’s on Fire, na nagdala ng martsa mula sa umpisa ng karera hanggang pagsungaw ng rekta kung saan bumitaw na din ito. At dahil nakatakda sa 1,600 meters ang Cojuangco Cup na first leg ng Triple Crown, baka tuluyan ng mawala sa eksena ang mga puro bilis lamang na mga kalahok kapag nagka-deklarasyon na para sa karerang ito.

Perfect pa sa tatlong career start si Treasured Ack, na sinakyan ng journeyman na si John Cordero na nakakuha ng magandang break at siya’y nakahanap ng magandang pagkakakitaan sa darating na mga buwan basta ba ipatuloy niya ang mahusay na pagdadala sa filly na ito.

Mga tips para ngayon: Race 1 – Sovereign Dancer at Pure Energy; Race 2 – Yankee Clipper at Dulce My Love; Race 3 – Nyafee’s Smile at Urban Legend; Race 4 – Sakura Ijhay at Archer; Race 5 – Odyssey at Real Tough; Race 6 – Fire Prince at Flyboy; Race 7 – Concorde at Ocean Cookie; Race 8 – Medal’s Time, Class Action at Beat D’Heat.

Comments

Leave a comment!