Congrats, phf nag-EB muli!
Congrats, phf nag-EB muli!
KARERA LANG!
By Jenny Ortuoste for Tumbok
Monday, 4 June 2007
Matagumpay at masaya ang idinaos na 2nd quarter EB (“eyeball” o pagtitipon) ng Pambansang Website ng Pinoy Horse Fanatics, ang phf.com.ph, nung Sabado sa Marikina City. May higit 100 na miyembro at bisita ang dumalo at nagkaisa sa kuwentuhan, kantahan, kakornihan, kainan, at karera.
Salamat sa mga taga-Marikina Group (MG) ng PHF na nagbukas ng kanilang bahay para sa party – sina Doc Dante, Mommy, kitzpogi, sudir, Des, at ang mga iba pang taga-MG na nag-organize at nag-alaga sa mga ROU (registered online users) na dumalo.
Bukod sa umaapaw na inumin at pagkain, may pa-raffle pa – ng mugs (mula sa MG), PHF t-shirts (Secretariat), at namigay rin ng PHF t-shirts ang MG at nagdala naman ng giveaway magazines mula sa MARHO si gogirl. Kaya bawat miyembro na dumalo ay may naiuwing remembrance ng okasyon.
Nakakatuwa ang pag-MC nila junisla at Alasan (na nagsilbi rin bilang photographer), at lumabas ang mga talent sa pagkanta nila red shoes (dati isang professional drummer sa banda), malufet, luningning, corix, reaphies, dukha, at iba pa.
Malugod na tinanggap ng PHF ang mga bisita na miyembro ng ibang website tulad ng BKI at MHP na sina lee, ross, alpha_jay, at iba pa. Nagpadala naman ng congratulatory message si samahan_matibay (horseowner Chino Pamintuan) na miyembro pareho ng PHF at MHP, na nagpahayag rin ng layunin niya na magkaisa ang mga grupo ng cyber-racing fans.
Tumitigil lang ang kuwentuhan at kantahan tuwing tatakbo ang karera, na projected sa isang big screen upang mapanood ng lahat. May mga runner na nagtakbo ng taya sa malapit na OTB, at malakas ang sigawan pag panalo, hiyawan naman pag talo. Kasama na rin siyempre ang usapang karera at palitan ng tips at analysis.
Ngunit bukod sa katuwaan, may seryoso rin na pinag-usapan, tulad ng pagdaos ng isang medical mission ng PHF kaugnay ang healthcare company na Pfizer, kung saan opisyal si corix. Kung umayon ang Pfizer sa balak, pipili ang PHF ng benepisyaryo, at maari ito ay mga sota at iba pang mga nangangailangan sa racing community.
May ilan na taon na rin mula nang umusbong ang mga karerista groups at websites. Mas masaya nga naman kung may kausap ka tungkol sa iyong kinagigiliwan na sport at kung may kapalitan ka ng kuro-kuro at balita.
At nung nauso ang Internet, naging mas madali ang komunikasyon at naging pamamagitan ito ng pagkakakilala ng libo-libong karerista, hindi lang yung mga nasa Pilipinas kundi pati na rin ang mga kababayan natin na nasa ibang bansa.
Nariyan ang mga taga-Middle East (dubai_trigger, wag_ingay, ernest_locco, juggernaut) France (oui_paris, isa sa mga dumarami nang racing fans na babae), Singapore (james, victoree), Switzerland (cbbi10), Sudan (tolits), at marami pang iba.
Sa mga gustong sumali at makisaya sa kapwa karerista, mag-log-on lang sa www.phf.com.ph at mag-register na kayo as members. Marami kayong mababasang mga kuwentong karera, chismis, balita, at bukod doon, mga impormasyon na makakatulong tulad ng programa, tips, at resulta.
Karera lang – walang personalan! ***


Comments
Leave a comment!