Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 03:02:04 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News:
 
   Home   Help Radio Login Register LIVE RACES  
Today at 02:58:13 PM kareristaboy - SE musta ka na? long time no see Smiley
Today at 02:54:03 PM nelsonlee - calracing.com
Today at 02:36:02 PM blink - i can or should i say we can...
Today at 02:18:52 PM CHOLS - GAndang hapon po sa lahat...
Today at 01:46:17 PM jam_attaq - spanish sa pinas ba kau?
Today at 01:28:43 PM spanisheyes - meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today at 01:27:58 PM mikonoro11 - gud pm bayang karerista
Today at 01:27:55 PM spanisheyes - meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today at 01:16:22 PM rickyg - okey mam, nite nite
Today at 01:15:54 PM sexy eyes - sleep lng muna ako coach ricky..sir gab...tito boy dreamrose..aga...at sa mga naka online...laterz

View All


Pages: [1] 2 3 4
  Print  
Author Topic: SI TAMPOGI PAG BUMIRADA, SIGURADO IKAW ANG BIDA  (Read 1770 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« on: October 27, 2008, 01:30:18 PM »



Miyembro dito sa PHF simple lamang kung mamuhay
Sa pakikipag kaibigan, sadya pong napakahusay
Di ka mahihiyang sila'y inyong makasama
Totoong tao na marunong magbigay ng pahalaga

May mayaman, may middle class meron din pong nasa lower class(sama ako dito)
Pero pag nagkita-kita na lahat pantay at all FIRST CLASS
Dangan kasi ay maganda simulaing nakagisnan
Sa PHF lahat dito parehas at walang sikat

Marami na rin naman po, akong nakasamang miyembro
Maski first time lang nakita, accomodatio'y totoo
Dala nila'y ganda ng breed, kuha dito sa PHF
Magalang nga pong totoo, humble at sobra sa bait

Matagal na rin naman po, ako ay member na dito
Status ay di pa upgrade para maging isang senior
Wala pa kasi akong EB'ng dito'y nasalihan
Na tunay na kailangan upang ika'y mabinyagan

Pero sa kabilang banda akin po namang subok na
Maski na isang Junior turing dito ako'y Senior
Tiwala sa king pagtula dito ay merong halaga
Kalayaan pinagbigyan kaya naman anong saya

Marami pong magagaling at meron pang Elite tipsters
Na kung saan at mahirap sa karera ay merong tips
Accredited nating tipster lagi rin pong available
Magbigay ng silip na tip kasama pa din ang info

Dito minsan nangyayari at hindi rin po maiwasan
Info at tip di masunod, sa marami pong dahilan
Pero dito ang maganda, iwas sila sa sisihan
Tanda po ng pang-unawa sa tunay na kaibigan

Kaya naman ang ninais, dito sa munti kong thread
Mabigyan pong pahalaga, mahuhusay na kasama
Totoong dito unang-una kayo po ang siyang bida
Sa info tips at iba pa, handog nyo ay may halaga

Kung meron pong gusto kayo, na dito ay mailagay
Konting tula aakdain, sa taong nais bigyang alay
I-PM lang po nyo ako, Lagyan po ng konting info
Para makabuo ako, maski apat na parapo

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

                 TANICIMUS

Isa po syang kabalyero, mahusay po na ginoo
Isang seaman na nahilig sa pagtakbo ni kabayo
Medyo bilog ang katawan, Makinis ang kanyang kutis
Sa ganda po nyang lalake, Tila wala pong kaparis

Favorite nya pong horse itong si ALI ALI
Isama na rin po natin itong si GRACEFUL CONQUEROR
Kapag si Sir Tanicimus ang inyo pong nakasama
Well entertain at ikaw ay may kasamang pagtama pa

Magaling pong kaibigan hindi lang sa karerahan
Sa problema ready po sya na ikaw ay madamayan
Una po sya sa ki'y nag text upang ako ay gabayan
Dalangin nya malampasan problema ay malusutan

Katawan ay alaga di masyadong abusado
Kaya naman hanggang ngayon, isa pa rin po syang macho
Porma't tindig nitong mama, Tila isa pong Torero
Sa mga kadalagahan, Isa po syang simpatiko

Katamtamang pamumuhay ang meron si TANICIMUS
Mababait mga anak, Ang misis ay nasa abroad
Ulirang amang masasabi, isang magandang ehemplo
Nang tunay na lalaki, responsible una dito

Kaya naman bumibilib, straight po sya na totoo
Kaya naman ako'y hanga, sa galing nitong tao
Kaya itong si ginoo, minagaling ko ng husto
Mabuhay ka TANICIMUS, marangal ang pagkatao

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
tanicimus
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 10:49:04 AM
Age: 54
Location: cavite
Posts: 113


« Reply #1 on: October 27, 2008, 02:55:02 PM »

Unang una, nais ko pong magpasalamat sa iyo kasamang ROY aka Tampogi sa iyong tulang inialay sa akin, ngunit nais ko din magpaumanhin sa dahilang di ko po kayo mapasalamatan sa pamamagitan ng isang tula din, kasi po di ako maalam umakda ng isang tula kasi absent po ako sa school nuong ang akda namin ay sa pagtatalumpati (joke lang po).

Ganunpaman, taus puso akong nagpapasalamat sa iyong tinuran. Lahat po ng magandang katangian na inyo pong nabanggit ay larawan din po ng katauhan ng aking mga magulang.  Kung kaya't nang aking malaman na ang iyong ama ay meron karamdaman, agad po akong nagtext sa inyo upang ipaalam na ako at aking pamilya ay nananalangin ng mabilisang paggaling ng iyong ulirang ama. Nakakahinayang lang po kasi nung pumanaw ang aking mahal na ama, ako po ay nasa ibang bansa at di ko na po nagawang madamayan ang aking ama sa huling sandali ng kanyang buhay. KUng kaya naman, sir tampogi, saludo po ako sa inyo sa pagbibigay ninyo ng kahalagahan at inaruga  ang iyong ama sa oras ng kanyang karamdaman kahit kayo ay busy sa maraming bagay. Sa lahat ng ating mga katoto, sundan po natin ang magandang halimabawa na ipinakita ni kaibigang TAMPOGI sa kanyang mahal na ama.. saludo po kami sa iyo, at alam ko pong marami din pong kasamahan dito sa PHF ang katulad niyong may ningning ang puso at walang kapantay pagmamahal sa kani-kanilang mag magulang.. Mabuhay ka sir TAMPOGI at ang samahang PHF..
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #2 on: October 27, 2008, 03:15:42 PM »


Maraming salamat po kasamang Tani sa inyong magandang katugunan sa munti kong nakayanan. Inuna kita sa listahan aking kasama at sa mga darating na araw ay meron pa tayong mga kasamahan na ipi-feature natin dito sa ating abang thread. Sana po ay hindi maging kalabisan kung sakali man na ako po ay maging pangahas sa mga kasamahan na ating mapipili. Rest assured naman po na pangangalagaan natin ang bawat positibong komento na bibitawan ng inyong abang lingkod. Muli, maraming salamat sa appreciation Bro. TANICIMUS. Grin Grin Grin
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #3 on: October 27, 2008, 03:51:10 PM »




Sa mga nag-attend ng ating Sportsfest, kilala po ba ninyo ang kasamahan nating ito?
Bukas... Sya naman po ang ating bida. Balik po kayo bukas at very relaxing po ang handog nating tula sa kapamilya nating ito. Grin Grin Grin
Logged
boogie_shoes
HARDCORE
******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:September 02, 2010, 09:54:00 AM
Age: 36
Location: paranaque
Posts: 920



« Reply #4 on: October 27, 2008, 04:19:58 PM »

nakupow... hindi kaya magkulang bandwidth natin bukas sa sobrang dami ng maglalog-in para sa tribute sa ating kasamang original na am-POGI?!?!?!?!....

maaga ako maglalog-in bukas para hindi mahuli.... o baka hindi na ko maglog-in baka kasi unang DD pa lang ubos na kapital at mauunahan ng pagtawid ng itim na pusa... Smiley  Grin

(pis, fish, piece, peace brodah arman the great... )
Kiss
Logged

"one for all, all for LOVE!!!"
kites182
Administrator
*******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:56:25 PM
Age: 27
Location: valenzuela
Posts: 11720


kites as in saranggola =p


« Reply #5 on: October 27, 2008, 07:16:06 PM »

tribute diba para lang sa mga bangkay yun? hehehe jokeee lang. antay namin bukas ang blockbuster tribute na tula para sa kumpareng arman ko aka comeinglory  Grin
Logged

Wag kang magrereklamo kung ang pinili mong presidente eh manalo tapos lalong maging miserable ang buhay mo  Grin
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #6 on: October 28, 2008, 09:16:34 AM »


                    COMEINGLORY

Ito pong ating kasama, na bibigyang pahalaga
Sa thread ni Tampogi, si CIG na ang bida
Armand Amurao pangalan nya, mataginting pong talaga
Ang susunod basahin na, sya pong tunay bahala na

Ako raw ay pangahas, ng tawagin syang Playboy
Ang totoo sabi nila, isa daw po 'tong Loverboy
Mga tsiks ay kagulo na, pag si Arman ay lumaboy
Parang sya lang nag-iisa, sa alyas na Great Loverboy

Di ko alam ba't sa Pasay, karisma nya ay kay husay
Mga babae daw po d'yan, Kay Arman humahapay
Dangan naman daw po kasi, ang diskarte'y walang sablay
Babetsking makatabi, tirik mata na may laylay

Nakakainggit naman kako, kung ito po ay totoo
Baka naman d'yan sa Pasay, naubos na mga Macho
O baka naman may agimat, itong si Pareng Arman ko
Kaya naman ganun na lang, mga tsiks ay tuliro

Pero teka mga partner, sa akin po ay may nag-text
Ngayon daw po si CIG, nagbago na kanyang lupit
Di na raw po sya mahilig, sa mga tsiks na may lagkit
Dahil naiisip yata po, baka maagang mapapikit

The BEST na kaibigan, marami sa inyo'y alam na yan
Hinding hindi nya po kayo, makakayang pabayaan
Isang taong merong motto, WALA PO TAYONG IWANAN
Maging hanggang sa tayo ay, pulutin na sa kangkungan

Kapag si Arman ay absent na, dito sa ating PHF
Madali mong mahalata , sa dami ng naghahanap
Ako nga rin po'y nalulungkot, at parang ayaw ng sumulyap
Pag itong si CIG, naka-offline na at low bat

Kaya kasamang CIG, isa kang ONE AMONG THE BEST
Presensya mo ay important, yan ay batid ng all the rest
H'wag sanang magbabago, sa iyong pagiging FRIENDLY
Upang kami sa PHF, mamalaging sa iyo'y HAPPY
Logged
kites182
Administrator
*******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:56:25 PM
Age: 27
Location: valenzuela
Posts: 11720


kites as in saranggola =p


« Reply #7 on: October 28, 2008, 12:38:30 PM »

agree ako sa iyong mga tinuran
sir tampogi na aming kaibigan
alam naman nating itong si arman
talagang kilabot ng mga kababaihan  Cheesy

pagmamahal sa PHF di matatawaran
kaya naman napiling CORE kumpare kong pinaguusapan
minsan man ay sumasablay  Grin
nandito lang tayo at handang umalalay

ako'y may sikretong alam
sabi nya ay huwag ko raw ipagyabang
heto na at aking bibitiwan
SYA RAW SI SUPERMAN  Cheesy Cheesy Cheesy Cheesy Cheesy



Logged

Wag kang magrereklamo kung ang pinili mong presidente eh manalo tapos lalong maging miserable ang buhay mo  Grin
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #8 on: November 05, 2008, 01:30:08 PM »

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

   FRANCIS, MATINEE IDOL NG PUP

Matagal ng panahon, ng sya'y aking makita,
Isang taong nuo'y, di ko pa kakilala
Nang dahil sa PHF, dito ko napunta
At aking nadiskubre, younger version daw ni kuya

Batang-bata pa sya, kumpara sa balana
Disiotso anyos, may bagsik na sa karera
Ang sabi ko someday makikilala ko sya
At mapupurbahan, kung sino talaga sya

Isang araw tinext, baka pwedeng magkita
Ako ay paluwas, galing pa sa probinsya
Daan ko pauwi, malapit sa place nila
Merong konting dala, baka magustuhan nya

Sitsaron at pastilyas, sa kanya'y nabigay
Pasalubong na sa kanya'y, tila ba nababagay
Akala ko'y gatas, iniinom ni binatilyo
Kaya sabi ko'y okey, sa pastilyas de bonito

Aba nabalitaan, dala ko'y pinulutan
Masarap daw pala, ang kasunod ay kailan ba?
Aba'y nag-aya pa, sa kanya daw ay sumama
At makilala, mga tropang kapamilya

Aba ang sabi ko, matindi pala ito
Wala sa mukha, isa pala itong pilyo
Ako'y parang nadaig, sa pagiging bohemyo
Malupit uminom, at isa ring babaero

Bigla akong kumambyo, Talo pala ako dito
Aba e mas bibo, at sa tsiks praktisado
Mukhang pag sumabay, ubos ako dito
Kasi'y baka mapasubo, si Tampoging bigotilyo

Magaling daw kumanta, itong si binatilyo
Kaya naman siguro, magaling sumilindro
Sa mga bebeng na, pang derbing otso otso
Pag tsikabeybs kumurap, kabig na walang salto

Dahil may taglay, kagalingan sa tsiks
Aba e nilubos, pati sabong nitong tsiks
Kabisadong kaliskis, manok na pang first pick
Kaya naman ang kalaban, siguradong may panis

Sa singing siguradong magkakasundo tayo
Sa barikan walang salang, go ako dito
Sa sabong malamang, out na ako dito
Pero sa bebeng itaga mo, fight ako dito (he he he)

Ang taong binabanggit, kundi nyo kilala
Ay guapitong sumikat, sa BOX ng karerista
Kalauna'y ginawang, Pansit na may sarsa
Upang sa taya nyo, maibawas ang di kasya

Isa syang estudyante, d'yan po sa may PUP
Pagkakaalam ko, ay patapos na sa kursong napili
Malamang bukas makalawa, mag-iinvite na po ito
Kuyang Tampogi punta dito, attend ka sa Graduation ko

Ang ngalan nya po'y Francis Martinez, kilala ditong Angel Eunice
Sa mga di nakakaalam, kanyang nickname ay si Isko
Mestisuhi't balingkinitan, na may pagka-simpatiko
Na lubhang hinahangaan, sa PUP at sa Tundo

Sana nga ay matapos, ang iyong pag-aaral
Sapagkat yan ay importante, na dapat na ikarangal
Dahil dito sa PHF, mga miyembro'y mararangal
Kaya dapat na gayahin, wag na wag nang aangal

Wish ko rin Bro Francis, palagi sanang malakas
At ikaw ay patnubayan, nitong amang nasa taas
Kapusukan maiwasan, dala ng 'yong kabataan
Pagpalain ng maganda, mabiyayang katauhan

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin





Logged
COMEINGLORY
HARDCORE
******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:September 05, 2010, 11:54:16 AM
Age: 31
Location: Pasay
Posts: 1666


"Batang Maricaban"


« Reply #9 on: November 05, 2008, 04:15:28 PM »



Salamat sa Tula iyong alay kaibigan
Kahit papaano ako nasiyahan kasi
last eb mata ko lumuwa sa kaka-hintay
sa Tampoging artista.

Sana sa susunod tayo ay magkita
para kay karerista boy Mapakilala
ang sabi nya kasi wala ka raw mukha

Ang sabi ko naman., Ganyan talaga
kaya tampogi ang pangalan.,
kasi tampo kasi pogi ka!

Wag ka mag-alala kaibigan kong
Mahal d2 lang ako para mag-pasaya
Wag mo lang ako Ikumpara kay Bugoy
kasi Naiinis ako naging KAMUKHA KO
PA SYA

Baw.. Grin




Logged


"Wag ka Sisingit sa Pila, Buti kung Tatama! ka!
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #10 on: November 06, 2008, 12:59:39 PM »


 Grin Grin Grin Grin Grin
Maraming salamat, kaibigan kong Arman
Munting nakayanan, iyong napagbigyan
Request ko kahapon, sana ay sulyapan
Birada ni Tampogi, bida ay ikaw yan

Litratong nakita, secret ang nagbigay
Galing sa kaibigang, sa iyo'y todo bigay
Humingi ng konting, impormasyong ilalagay
Aba pati na yung picture, wag daw mawawalay

Di pa tayo nagkita kaibigan kong trulili
Di kasi nakapunta sa Magic 9 OTB
Kung saan ginanap malakihang EB
Ako kasi'y umuwi, pagkikita'y unsyami

Di bale Bro Arman, mayroon pa naman
Dun sa CALABARZON, planong ulitin yan
Lamang ay MINI EB at di kalakihan
Gusto la'y magkita,magsaya't, kwentuhan

Duon plano ko'y sumama't mag-appear
Bago mag pasko makita mga Sir
Dami na kasing ka-chat sa family (PHF)
Sana naman daw ma-meet na finally

Kung sakali mang dun di tayo magkita
H'wag mag alala at may susunod pa
Na mini EB'ng mai-iskedyul pa
Upang finally, si Tampogi'y mabista

 Grin Grin Grin Grin
Logged
kites182
Administrator
*******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:56:25 PM
Age: 27
Location: valenzuela
Posts: 11720


kites as in saranggola =p


« Reply #11 on: November 06, 2008, 06:44:51 PM »

sir tampogi naming kaibigan
madali lang hatakin itong si arman
basta pasahe nya ay sagot mo lamang
hehehe ito ay joke lang  Grin


Logged

Wag kang magrereklamo kung ang pinili mong presidente eh manalo tapos lalong maging miserable ang buhay mo  Grin
angel_eunice
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:September 05, 2010, 01:31:24 PM
Age: 20
Location: Tondo, Manila
Posts: 1070


"IT'S BETTER TO HAVE INFORMATION"


WWW
« Reply #12 on: November 09, 2008, 10:27:03 PM »

Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

   FRANCIS, MATINEE IDOL NG PUP

Matagal ng panahon, ng sya'y aking makita,
Isang taong nuo'y, di ko pa kakilala
Nang dahil sa PHF, dito ko napunta
At aking nadiskubre, younger version daw ni kuya

Batang-bata pa sya, kumpara sa balana
Disiotso anyos, may bagsik na sa karera
Ang sabi ko someday makikilala ko sya
At mapupurbahan, kung sino talaga sya

Isang araw tinext, baka pwedeng magkita
Ako ay paluwas, galing pa sa probinsya
Daan ko pauwi, malapit sa place nila
Merong konting dala, baka magustuhan nya

Sitsaron at pastilyas, sa kanya'y nabigay
Pasalubong na sa kanya'y, tila ba nababagay
Akala ko'y gatas, iniinom ni binatilyo
Kaya sabi ko'y okey, sa pastilyas de bonito

Aba nabalitaan, dala ko'y pinulutan
Masarap daw pala, ang kasunod ay kailan ba?
Aba'y nag-aya pa, sa kanya daw ay sumama
At makilala, mga tropang kapamilya

Aba ang sabi ko, matindi pala ito
Wala sa mukha, isa pala itong pilyo
Ako'y parang nadaig, sa pagiging bohemyo
Malupit uminom, at isa ring babaero

Bigla akong kumambyo, Talo pala ako dito
Aba e mas bibo, at sa tsiks praktisado
Mukhang pag sumabay, ubos ako dito
Kasi'y baka mapasubo, si Tampoging bigotilyo

Magaling daw kumanta, itong si binatilyo
Kaya naman siguro, magaling sumilindro
Sa mga bebeng na, pang derbing otso otso
Pag tsikabeybs kumurap, kabig na walang salto

Dahil may taglay, kagalingan sa tsiks
Aba e nilubos, pati sabong nitong tsiks
Kabisadong kaliskis, manok na pang first pick
Kaya naman ang kalaban, siguradong may panis

Sa singing siguradong magkakasundo tayo
Sa barikan walang salang, go ako dito
Sa sabong malamang, out na ako dito
Pero sa bebeng itaga mo, fight ako dito (he he he)

Ang taong binabanggit, kundi nyo kilala
Ay guapitong sumikat, sa BOX ng karerista
Kalauna'y ginawang, Pansit na may sarsa
Upang sa taya nyo, maibawas ang di kasya

Isa syang estudyante, d'yan po sa may PUP
Pagkakaalam ko, ay patapos na sa kursong napili
Malamang bukas makalawa, mag-iinvite na po ito
Kuyang Tampogi punta dito, attend ka sa Graduation ko

Ang ngalan nya po'y Francis Martinez, kilala ditong Angel Eunice
Sa mga di nakakaalam, kanyang nickname ay si Isko
Mestisuhi't balingkinitan, na may pagka-simpatiko
Na lubhang hinahangaan, sa PUP at sa Tundo

Sana nga ay matapos, ang iyong pag-aaral
Sapagkat yan ay importante, na dapat na ikarangal
Dahil dito sa PHF, mga miyembro'y mararangal
Kaya dapat na gayahin, wag na wag nang aangal

Wish ko rin Bro Francis, palagi sanang malakas
At ikaw ay patnubayan, nitong amang nasa taas
Kapusukan maiwasan, dala ng 'yong kabataan
Pagpalain ng maganda, mabiyayang katauhan

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin







WOW ang ganda nito kuya ROY.. maraming salamat sa ginawa mong ito... sobrang tuwa ako.... naiiyak ako sa sya... tnx po tlga...
Logged

i love my WIFE...^_^
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #13 on: November 09, 2008, 11:39:03 PM »

Sir Tampogi, ako sa ngayon ay tumitingala
Sa ginawang hibla mo ay maraming humahanga
Dalasan ang papuri dahil ROUs dumarami
Baka iyong kalimutan yaong mga importante! Wink Cheesy

Ang birada mo' ay sadyang mainam
Bawat linya ng tipa mo' ay kailangan
Mga papuri sa mga taong kina-uukulan
Patok na parang tula ni Ginoong Libiran

Kaya nga ako ngayon ay nagpapasalamat
Mga tula sa kaibiga'y ginagawang alamat
Bawat tudling ay may buhay at mga halakhak
Bawat dagdag ng taludtod, di ka mapapahamak!

Kaya ako ngayon ang siyang bibirada
Ang galing ng katoto, aking ibabalandra
Salamat Sir Tampogi, o' Roy na lang kaya
Nang ako'y di mailang, kapatid kong manunula! Wink

Ikaw ngayo'y nakasalang dito sa bulwagan
Sa galing mong pinakita, lubha akong nasiyahan
Kaya ikaw Sir Tampogi, akin nang paparangalan
Pinakamagaling bumirada dito sa aking Tambayan! Cheesy
Logged


Apo ni Balagtas!
tampogi
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 01:45:43 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #14 on: November 10, 2008, 03:28:23 PM »


 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Bro EUFSANGELS salamat sa yo'ng mga tinuran
Munti kong nakayanan, binigyan mong kahalagahan
Pangakong nabitawan, nais po lamang patunayan
Obra kong gagawin, alay po sa kapatiran

Nang pumasyal sa tambayan, dito po sa balagtasan
Ako ay nag-isip, ng akdang kalugdan
Hindi lang ng isa, kundi ng karamihan
Upang tiwalang nabigay, akin pong masuklian

Kayo po'y makakaasa, sa darating pang mga araw
Mga kasama sa PHF, papawiin ang pagkauhaw
Mag-antay lang po ng konti, baka bukas, makalawa
Sa birada ni Tampogi, baka kayo na ang bida (PHF ROU's)

Kaya sana'y dalasan, ang inyong pagbisita (PHF ROU's)
Sa thread na ang bida, ay kayo mga kasama
Once a week ay may bago, na dito ay babalandra
Baka ikaw na susunod, na dito ay e-entra

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
Pages: [1] 2 3 4
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.17 seconds with 22 queries.