Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 03:50:09 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News:
 
   Home   Help Radio Login Register LIVE RACES  
Today at 03:34:59 PM aga - ok sir. pm sent sir jhay ar
Today at 03:33:44 PM jhay ar - pm po kta sir pag my bi2li smin sampaloc mnla po ako
Today at 03:32:10 PM aga - 5k po 100m Wink paki compute nalang po Wink
Today at 03:29:59 PM pasaway - ang dami naman nyan, 2billion  hehehe....
Today at 03:29:07 PM jhay ar - sir aga mag kano po
Today at 03:20:43 PM aga - wanted buyer ng chips sa FB 2 billion hehehe
Today at 02:58:13 PM kareristaboy - SE musta ka na? long time no see Smiley
Today at 02:54:03 PM nelsonlee - calracing.com
Today at 02:36:02 PM blink - i can or should i say we can...
Today at 02:18:52 PM CHOLS - GAndang hapon po sa lahat...

View All

Pages: 1 2 [3] 4
  Print  
Author Topic: SI TAMPOGI PAG BUMIRADA, SIGURADO IKAW ANG BIDA  (Read 1773 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
run_dash_run
HARDCORE
******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 10:30:24 AM
Age: 38
Location: AUH
Posts: 1123

« Reply #30 on: November 17, 2008, 02:22:23 PM »

Pilitin ko man gumawa ng isang tula
Para sa inyong amang kinuha ng kanyang lumikha
Panalangin na lang ang aking maiialay
para sa kanyang kaluluwang nahimlay

Logged

Vote Subterranean River National Park for New7Wonders.
audiobahn
HARDCORE
******
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:48:54 PM
Age: 35
Location: paranaque
Posts: 6553

TATAMA TAYONG LAHAT

« Reply #31 on: November 17, 2008, 02:27:57 PM »

CONDOLENCE PO....
Logged

BACK TO BACK CHAMPIONS! Grin Grin Grin

dehadistangpinoy
Senior ROU
****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:May 22, 2010, 09:35:06 PM
Age: 36
Location: QC
Posts: 460

benedict - Q.C. Chapter

« Reply #32 on: November 17, 2008, 02:34:48 PM »

Taus-puso akong nakikiramay aking kabayan
Dumating ang oras na ang iyong ama'y lumisan
Datapwat dulot sa iyo nito'y kalungkutan
Makakapiling naman nya ang Lumikha ng sanlibutan

Sa paglisan sa mundong ito ng iyong butihin ama
Panalangin ko at nang buong PHF kapamilya
Sumalangit nawa ang iyong mahal na ama
Kapiling ng ating Panginoon na sa ati'y lumikha
Logged

"IF YOU CAN'T BEAT 'EM(LAKERS), JOIN 'EM"
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #33 on: November 17, 2008, 02:39:39 PM »

Maraming salamat po mga kapatid
Kagalakan ko ay hindi mapatid
Sa pakikiramay na inyong hatid
Bukal sa kaloobang akin na pong batid

Salamat po Sir Luningning (magkikita rin tayo sa Nov. 30 MINI EB SLLP CALABARZON),
By a nose, Del Garcia, eufsangels(Kamag-anak), jogatchie, Gabriel The Messenger (Good health po), Kites182(magkita sana tayo sa SLLP), tauro, ma'm Angie, yeggmen, arniebartley(insang boy), FLORENTINA, tolits, run_dash_run, audiobahn.
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #34 on: November 17, 2008, 02:43:04 PM »

Taus-puso akong nakikiramay aking kabayan
Dumating ang oras na ang iyong ama'y lumisan
Datapwat dulot sa iyo nito'y kalungkutan
Makakapiling naman nya ang Lumikha ng sanlibutan

Sa paglisan sa mundong ito ng iyong butihin ama
Panalangin ko at nang buong PHF kapamilya
Sumalangit nawa ang iyong mahal na ama
Kapiling ng ating Panginoon na sa ati'y lumikha
Maraming salamat kabayan, medyo wala pa sa wisyo si kuyang Tampogi kaya di ako masyadong makapag-compose ng tula. Well acknowledge ang akda mo para sa father ko Bro...
Logged
Alasan
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:June 11, 2009, 05:49:35 AM
Location: manila
Posts: 843

WWW
« Reply #35 on: November 17, 2008, 09:25:56 PM »

Katotong TAMPOGI, ako'y nakikiramay
Dahil sa pagyao ng mahal mong tatay
Masakit mawalan ng mahal sa buhay
Kaya ayoko po ng usapang goodbye.

Minsan merong parang mundo ay nagunaw
Kaya gusto ko po sanang makadalaw
Ngunit baka ice cream naman ay matunaw
Dahil siguradong ako'y maliligaw.
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #36 on: November 28, 2008, 08:57:29 AM »

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Maraming Salamat kasamang Alasan
Pakikiramay mo'y lubhang inaasahan
Salamat sa lahat na ating kaibigan
Sa oras ng lumbay kami'y sinamahan

Next week meron na, naman ditong bida
Kasi'y mangangalap pa, puhunang pambirada
Sa SLLP pupunta, hindi para mangarera
Kundi mangumusta, kapamilya'y makita

Duon ay beso-beso, puhunang gagamitin
Upang makilala, kapatiran natin
Konting interview, okey na po sa akin
Upang sa pagbalik, birada'y di mabitin

Kaya kung sakaling lahat kayo ay lapitan
Sa linggong darating sa ating tagpuan (SLLP)
H'wag po sanang, ako ay iwasan
Ang nais po lamang, makipagkaibigan

Dalawang tulog na lang, magkikita na tayo
Sa lugar na kung tawagin ay San Lazaro
Duon magtitipon mga poging kabalyero
Pagtitibayin ang bonding, iyan po ay di kwento (totoo kasi)

So see you my Friends, this coming Sunday
Sana ay maraming, dumating on that day
Sapagkat bihira lamang at hindi everyday
Ang tayo'y mag EB, another beautiful day

At last makikita ko na si El Bimbo
Na balitang mestiso at isa ring guapito
Si Kites na masipag at maaasahan
Ganun din si Jason na laging alerto

Sana si Sir Dennis na isa ring bigotilyo
Makita ko rin sana, at di masiphayo
Si Donvi na isang dugong batangenyo
See you mga Sir, sa darating na Linggo

Marami pa kayong, gusto kong makita
Kaya lang di ko sure kung lahat pupunta
Kasi'y naman ay malayo yang lugar na Carmona
Duon sa ibang kasama buhat pa sa Isabela

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

See you all Sa SLLP this coming Sunday Nov. 30, 2008

Logged
SECRETARIAT
Global Moderator
*******
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:39:11 PM
Age: 56
Location: Parańaque
Posts: 3247

« Reply #37 on: November 28, 2008, 11:30:29 AM »

Nang dahil sa isang pangyayari
Ako ay nawala ng ilang araw
at hinde nabasa ang tungkol pagyao ng iyong ama

Lubos akong nakikramay
nawa'y siya ay kasama na ng ating Panginoon.

P.S.

Pasencia na sa aking nakayanan. Walang rhyme, walang .... walang wala kundi pagdamay sa iyo, TAMPOGI!
Logged

LIVE and let LIVE!
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #38 on: November 28, 2008, 02:07:35 PM »

Nang dahil sa isang pangyayari
Ako ay nawala ng ilang araw
at hinde nabasa ang tungkol pagyao ng iyong ama

Lubos akong nakikramay
nawa'y siya ay kasama na ng ating Panginoon.

P.S.

Pasencia na sa aking nakayanan. Walang rhyme, walang .... walang wala kundi pagdamay sa iyo, TAMPOGI!

Maraming salamat po Sir Dennis, hayaan nyo po at pag dumating si Insang Boy (Arniebartley) e patuturo po tayo sa kanya mahusay po na makata si Boy. Grin Grin Grin Grin
Logged
arniebartley
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920

« Reply #39 on: November 28, 2008, 04:56:51 PM »

'Insang Roy, Ibinida Si Boy
Si Boy, Ibinida si 'Insang Roy

Aking 'insang tampogi, magandang araw,
Pasensiya na kung madalang makadalaw;
Sa iyong hiblang bida ang nakasingkaw,
Pag nadadalaw, galak ay umaapaw Smiley

Sa ating butihing pinuno ng forum,
Sir Dennis, isa pong magandang hapon;
Huwag pong mag-atubiling tula ay isaknong,
Kahit po walang rhyme, iparating ang layon -

Maraming salamat sa pagtitiwala 'Insan,
Ang pagiging makatą ay isang kalikasan;
Mula sa ninunong galing sa Bulacan,
Hindi maiiwasan isulong ang panitikan -

Aking 'Insan ikaw man ay tunay na makatą,
Mapatutunayan sa mga tula mong kinathą;
Isa ka sa binigyan ng talento ni Bathalą,
Upang maipamaralģ ang paggawą ng tulā!

Salamat 'Insang Roy, ibinida mo si Boy,
Ito namang si Boy, ibinida si 'insang Roy;
Sa hiblahang ito'y tula lang ang maiaabuloy,
Upang sa araw-araw balagtasa'y umugoy -

Hanggang dito na lang at hihintayin ko,
Mga tulang may bida na isusunod mo;
Huwag kang magsasawang rito'y tumiklado,
'Insan, muli, maraming salamat sa iyo!

Smiley
Logged

Apo Ni Balagtas
Manunulą at Manunulat
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #40 on: December 03, 2008, 10:14:10 AM »

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

       Alcapdubai sa Pakikisama Todo bigay

Una s'yang nakilala, last November 29
Gabi na ang oras ay 6:59
Sa OTB sa may Imus, na kanila pong tunay
With my Kuyang Ernest, s'ya pong magpapatunay

Sabi ni Kuyang Ernest, amin daw pong hanapin
May ari ng Transport OTB, amin daw pong siyasatin
Allan Capili ang pangalan, Kapanalig daw po natin (PHF member)
Upang makumusta at ma-meet na rin namin

Dagliang tinungo, teller na sobra ng hinhin
Mabagal kasing pumindot, duon sa kanilang machine (me sumpong ata yung teller)
Pero inabot ng hiya, baka kami'y di mapansin
Kasi kami ni Kuyang Ernest, sobra ang pagka-gentlemen (nung araw na 'yun. he he he)

Minabuti naming sa waitress ay magtanong
Isang seksi na aming nakasalubong
Tanong namin binibini si Allan ay nand'yan ba?
Aba'y sa apelyido nyang Capili, hindi pala kakilala (lagot alang sweldo si waitress, he, he

To make the story short, si Allan ay nakita nga
Sa alyas namin sa PHF, kami nagpakilala
Kamayan na walang patid, pati na rin kumustahan
Feeling namin kamag-anak, itong aming nasumpungan

Nagpalabas sya ng mesa, at tsaka mga silya
Bigla kaming duon ay, espesyal nya na bisita
Sa tig-isang bote ng beer, Nag-umpisa ang kwentuhan
Mga miyembro ng PHF, masaya ang balitaan

Ako muna ay uuna, at sabi ko ay bukas na
Sa SLLP mayro'ng EB, duon natin ituloy na
Ako ay umuwi, sa puso'y lipos po ng saya
Nadagdagan po kasi, bago kong kakilala

After an hour, Si Kuyang Ernest sa akin ay tumawag
Punta ka dito sa amin, kung oras mo ay maluwag
Si Allan andito, kasama pati kanyang Erpat
Tuloy natin ang kwentuhan, habang may oras pang sapat

Daglian kong tinapos, meeting nitong aming Club
Upang aking mapuntahan, mga kasamang aking love
Sa aming mga kwentuhan, ay lalo pong nag-aalab
Samahang mayro'ng tibay, sa PHF lang meron n'yan

Kabaita't pakikisama, yun daw ay kanyang namana
Galing sa kanyang Ama at sa buong pamilya
Proven naman pong talaga, dahil ama'y nakahunta
Kabutihan ng loob, atin po namang nakita (Thanks for meeting your humble father)

Sa SLLP-mini EB, buong pamilya nya'y dala
Pati na kanyang erpat, duon din po ay kasama
Kami duon ay alaga, pati na rin sa pagtaya (Teller kasi nila yung nasa SLLP)
Sa sobra nyang bait, Abot-abot aking hiya (You're so nice Bro Allan)

Kinabukasan nasundan, aming pagsasamahan
Sa kanilang OTB, PHF members nagpuntahan (Si Kites maski malayo nakarating din)
Espesyal na mesa ay reserved, Exclusive po sa PHF
Duon ay bidang-bida, PHF members ay kay saya (Sikat na po ang PHF sa Imus)

Pag si ALLAN ay naglambing, sagot lahat iyong hiling
Share ko sa aming inom, H'wag na daw iyo'y lambing (Generous po at tunay na kaibigan)
Ako tuloy ay nahiya, at di sanay na malambing (kakahiya talaga, di nya get share ko)
Next time Brother ALLAN, ako ang s'yang maglalambing (Babawi ako, he he he)

Pagbalik mo sa Dubai, ala-ala'y iyong akay (Dec. 4 po balik n'ya at bukas na 'yun)
OTB n'yo d'yan sa Imus, magsisilbing paalala
Na meron d'yang kaibigan, THE BEST PATI ANG PAMILYA (Capili Family)
Kay Bro ALLAN saludo po, Kay Tampogi ikaw'y bida

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Logged
alcapdubai
Senior ROU
****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:April 01, 2010, 05:55:14 PM
Age: 39
Location: UAE
Posts: 149

« Reply #41 on: December 04, 2008, 09:03:05 AM »

Wow !!! I LOVE YOU TOO NINONG ROY !!!
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #42 on: December 04, 2008, 09:50:44 AM »

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Naks naman Bro, sabi nga ni Kuyang Ernest e dalawa na siguro kami ni Sir Alex na magkakaroon ng tawag na NINONG dito sa PHF. he he he. Baka pag isinakal na si KITES e matupad na rin yan. he he he. Von Voyage Bro and thanks for the good days that we've been with our PHF family. See you next year...

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #43 on: January 13, 2009, 03:51:12 PM »

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

      ANG PAGBABALIK

Kumusta na kayo mga giliw na kasama
Matagal na panahon ding napahinga ang birada
Naging busy kasi si Tampogi sa pasada
Marami kasing inasikaso sa probinsya

Internet sa opisina, obligadong magpahinga
Provider namin pinalitan ora-orada
Tuloy ang nangyari, pinutol aming linya
Kaya si Tampogi hindi tuloy makabirada

Ngayon maski temporary, meron na uling linya (may internet na kami sa office, yahoo!)
PHF na mahal, una kong binisita
Maski na sa trabaho, sa dami ay sobra-sobra (hirap talaga accounting)
Para sa akin laging una, kayo na kapamilya (PHF Family)

Tagal ng pagka-absent, sana'y di n'yo nalimutan
Si Tampoging kayong lahat, itinuring na kaibigan
Lagi n'yo sanang dinadalaw, itong binuo na tambayan
Hatid nito'y naiiba, para sa ating kaligayahan

Salamat kay pinsang Ernet, bilin ko'y h'wag pababayaan
Panandalian kong pagliban, sa tulaan ay punuan
Gayon na rin kay insang Boy, lagi na lang naglalaan
Mga tulang pinaghirapan, mga aral kapupulutan

Ngayong ako'y nakabalik, sa pag-ariba ng tulaan
Konting baon pipigain, alang-alang sa samahan
Dating gawing ginagawa, mga katoto sa balagtasan
Si Tampogi'y andito na, tulero ay nadagdagan

Sige lang po sa pagbisita, h'wag po ninyong sasawaan
Dito po sa Birada, isang hibla ng Balagtasan
Baka bukas makalawa, ikaw na ang tatasahan
Sa Birada maging bida, natatangi mong katauhan

Muli akong gagala, sa mahika ng internet
Bakasakaling isa sa inyo, ay akin pong masipit
Nang sa gayon, sa pag compose hindi ito isang pilit
Upang ang bidang susunod, hindi po s'ya mapilipit

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:49:07 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1725

« Reply #44 on: January 19, 2009, 02:51:57 PM »

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

SI TAMPOGI NG BUMIRADA, MANILA CHAPTER KAYO ANG BIDA

Maraming Salamat sa mainit na pagtanggap
Mga kasamang kaytgal kong inapuhap
Ang kayo'y makasamang matagal ng pinangarap
Nagkatoto sa loob ng isang iglap

Di ko sukat akalaing, darating ang lahat
Mga kasamahang, gusto kong masipat
Salamat sa pagkakataong, tayoy' nagkaharap-harap
Masasayang sandaling, tayo'y nagkausap-usap

Bagama't ako ay huli na nga ng dumating
Sa okasyon ng mga kabalyerong, ang tawag ay piging
Maraming salamat natupad ang aking hiling
Ang kayo ay masaya kong makapiling

Mabuhay kayong mga, kapatid na manilenyo
Kasiyahang makasama, bakas sa puso nyo
Mga ngiti at pagbati, well appreciated ko
Masasabing sulit, itong pagpunta ko

Meron lamang isang tao na di ko inabutan
Si sir ULTIMOKWARTO, nais kong masilayan
Maaga yata syang, sa pagtitipon ay lumisan
Si Tampogi kasi'y, huli na sa tipanan

Okey din naman itong si Sir Howard
Pagdating ko, sabay akbay agad
Si Sir Denz, ako'y inakay agad
Sa mga kabalyero, pakilala'y sagad-sagad

Si Sir Super Mario, pogi ring tulad ko ( tutoo po yun)
Nang ako'y makilala, natuwa pong totoo
Ganun din si Seanreiner, maski medyo nasa limbo
Nang ako kasi ay dumating, karga na'y singko litro

Itong si CIG hindi ko na rin sya inabot
Maagang umalis may tsiks daw na hinakot
Buti na lang at nandun si Brother kong Westside
Na lagi na lang, always on my side

Si Kites na walang kupas, laging present at walang pass
Sa lahat ng EB, lagi syang umaangkas
Si Bro FYKE na kaibigan, sanggang dikit na maasahan
Salamat sa kanyang text, Manilenyo'y napuntahan

Si Roiski04 na kalugar, duon sa Nicodemus, Dagupan
Ako ay nagulat, s'ya pala'y ating kasamahan
Bulong ko sa kanya, kapit wala tayong iwanan
Baka pwedeng bukas, bisitahin ang balagtasan

Mga kasamahan sa PALM Chapter, please always remember
Pagkikita sa mini EB, sana'y mamalaging FOREVER
Sapagkat sa galing, ng pananaw nyo mga Brother
Sama-sama tayong bida, Forever PHF'er

Si Atty. Rhon na matagal ko na ring gustong ma-meet
Pagkakita sa akin, ako'y niyakap sabay greet
Si GM Tauro na first time, makita ng personal
Simpleng handshake, naramdaman tumaas itong aking morale (disente po kasi sya)

Sa table ni Sir Prof, si Tampogi ay nanahan
Duon kasi ay marami, aming napag-usapan
Magagandang balakin, para sa ating samahan
Kaya Sir Prof itutuloy, atin itong pagtulungan (mga coming mini EB and Grand EB natin)

Ako po ay tuwang-tuwa, Friday ko ay nasulit
Sapagkat maraming mga friend, muli akong napalapit
Sa dami po nila, ibang names ay na-forget
Pero sa kanilang kabaitan, that I will never forget

Sa mga darating nating EB, baka uli mapasali (Baka KYUSI na ang next)
Malayo man si Tampogi, sa lugar namin sa Cavite
Wag lang matatapat na Saturday o kaya'y Sunday
Kasi po yun ang araw na si Tampogi'y "maid of the day"

(Bida po ako sa bahay pag weekend, taga laba, taga luto, taga pamalengke, driver ni misis, kargador sa tindahan at iba pa na pwedeng i-utos ni misis. O, di ba BIDA?)

Yung Metro East nating Chapter, katabi ng mga bebeng
Malapit na rin po daw tayong, lugar nila ay pasyalan
Wait lang po rin naman ako, na inyong ma-imbitahan
Malayo man sisikapin, kayo'y aking mapuntahan

Sir Jogatchie ay nakakwentuhan, Metro East ang Chapter n'yan
Kasama si Bro Pasaway, Matinee Idol nila yan
Si H2G at TENK U, pangi-ngiti lamang dyan (may bebeng kasing malapit sa table nila)
Kinumpleto ni Yoyong66, RobertoRanjo pati si Pangahas Jr nilang ROU

Sa Marikina Chapter na di kayang madaig
Andyan si Bro EZIO kasama si Ariba King
Sa CALABARZON tatlong pogi po kami d'yan
TeKtronix65 at Bro Stef dito kayo gaganahan (teka Metro East yata si Bro Stef, di ba?)

Bro Yeyeng ng CAMANAVA, dating ay naiiba
Ito namang si MaRalex, di pa raw alam ang chapter nya  (he he he)
Sabong Pinoy na na-promote isa nang SR ROU
Syrinx, Dudag, si Damokmok wecome kayo sa PHF

Mahar2008, Irene, Jerry pati na si Sir Man Friday
Mga bagong kabalyerong, sa PHF nakianib
Bwenas kayo't sa Manila, EB nila naka-attend
Dito kayo ay ganap nang, miyembro ng mga bigatin (PHF... The BEST)

Mga poging ng Manila, di ko na kayo iisa-isahin
Para sa akin lahat kayo, pantay-pantay aking tingin
Paggalang ko at respeto, inyo na po na inangkin
Marami pang pagtitipon, kayo'y aking haharapin

In behalf ng CALABARZON, pagbati namin ay suson-suson
EB ng Manila Chapter, Success po ang pagtitipon (Grand EB po ito sa dami ng dumating)
Sabi nga ni Sir Prof, sikat na tayo at like Champion
PHF Family pag sama-sama, tuloy-tuloy ating saya

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Maraming salamat po sa mga miyembro ng Manila Chapter

1. Westside
2. Super Mario
3. Dark Angel ( parang nagpa-picture kami nito)
4. Howard ( Idol ko ito sa pagtula)
5. Boogie shoes (parang di ko na po sya inabutan duon sa Manilenyo)
6. Zynixvolta ( next time ime-morized ko na full name mo Sir)
7. Ricky G (Natatawag ko palagi itong Ronski, he he he)
8. Tauro (karangalan pong makamayan itong kagalang-galang nating kasama)
9. Donald (Palagay ko e di ito na-introduce sa akin ni Bro Seanreiner)
10. Isocam (ito nakangitian na po natin at last)
11. Bound2BE (Another na di ko yata nakamayan last Friday)
12. Pasa Lod ( Parang ito e nakamayan ko last time)
13. Prince CJ ( ah eto natatandaan ko s'ya pa yung lumapit, nice meeting Sir)
14. Seinreiner (Nakaw eto yung di ko makakalimutan sa Manila Chapter)
15. Heart21 (Isa ito dun sa dalawang bagets na pogi kung di ako nagkakamali)
16. Yajiba ( Eto yung kakambal na pogi nung isang bagets, he he he)
17. Indelible_Hulk ( eto yung napansin ko na medyo tahimik, bakit kaya?)
18. Ronski (Tinawag ko naman itong Ricky, ewan ko ba sign of the... na yata yun)
19. Speed Limit (eto parang nakasabay ko sa CR at parang nagbibilang, tumama ata.)
20. DUDSloveSkie ( There always be next time Bro tsaka na tayo magbeso-beso uli)
21. Flip (Ito yung kasama nung talo sa dulong table na nakatingin sa bebeng e)
22. 98 EDiTioN (Next time na magkita tayo, kasama ko sa ime-morized ni Kuyang)
                             
Sa mga kapatid po na hindi ko na-mention ang pangalan sa munti kong handog sa Manila Chapter e pasensya na po at sa dami natin nung Friday e di ko na po masyadong natandaan yung ibang names ninyo. Pero marami pa naman pong PHF EB na kayo ay aking makakasama at makikita, mame-memorized ko rin po ang pangalan ninyo. he he he. SEE YOU AGAIN NEXT TIME... Tandaan Basta PHF Family sa BIRADA kayo ang BIDA.

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Logged
Pages: 1 2 [3] 4
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.222 seconds with 22 queries.