Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 03:46:20 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News:
 
   Home   Help Radio Login Register LIVE RACES  
Today at 03:34:59 PM aga - ok sir. pm sent sir jhay ar
Today at 03:33:44 PM jhay ar - pm po kta sir pag my bi2li smin sampaloc mnla po ako
Today at 03:32:10 PM aga - 5k po 100m Wink paki compute nalang po Wink
Today at 03:29:59 PM pasaway - ang dami naman nyan, 2billion  hehehe....
Today at 03:29:07 PM jhay ar - sir aga mag kano po
Today at 03:20:43 PM aga - wanted buyer ng chips sa FB 2 billion hehehe
Today at 02:58:13 PM kareristaboy - SE musta ka na? long time no see Smiley
Today at 02:54:03 PM nelsonlee - calracing.com
Today at 02:36:02 PM blink - i can or should i say we can...
Today at 02:18:52 PM CHOLS - GAndang hapon po sa lahat...

View All


Pages: 1 2 3 [4]
  Print  
Author Topic: SI TAMPOGI PAG BUMIRADA, SIGURADO IKAW ANG BIDA  (Read 1772 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #45 on: January 27, 2009, 10:57:51 AM »


 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Sa KARKULASYON, si Tolits ang CHAMPION

Kung sakaling si tolits di pa nyo nakita
Hayaan nyo po na ako ay magbida
Akin syang nakasama sa EB ng Manila
Kung saan nagpunta ating mga barkada

Lahat ng makita, aking kinilala
Sa pagtitipong lipos po ng saya
Mga kasamang sa internet ko lang nakilala
Sa personal ay masarap palang kasama

Sa bandang dulo ay andun, isang taong pamilyar
Sapagkat ang mukha nakita sa avatar
Iyon si Seanreiner, kilalang karkulasyon
Aking nilapitan, makilala ang layon

Bagamat napansing naka singko litros (medyo nakainom na kasi sila)
Pero di magaslaw at pino ang kilos (yung iba kasi pagtakbo ng kabayo kagulo na e)
Pangiti-ngiti lang na nakatingin sa grupo (parang alam na nya lalabas na kabayo)
Sabi ko sa sarili, pati galaw nya karkulado

Nuon pa ako sinabihan ni Lito
Baka daw pwedeng igawa maski pa'no
Tulang nararapat sa panlasa'y pasado
Kaya naman narito, sana ay okey sa iyo

Marami ng suki itong hibla mo
Pati nga ako isa sa fans mo
Kasi naman ay kumpleto pati sa rekado
Masusing tinipon mga mega tip mo

Alam nating mahirap, mag-review ng program
Pero itong ating bida, sa diskarte'y maalam
Mayamang imahinasyon, meron po s'ya nuon
Kaya naman patok, hibla ni KARKULASYON

Gusto ko ang tip nya pag me Dollar Sign
Ang ibig sabihin, kabayo ay palaban
Lalo na kung lamang, pwedeng-pwedeng tayaan
May pandehado pa, pang lomi natin yan

Hindi s'ya maramot, sa tip s'ya ay di kuripot
Mas gusto pa n'ya, mga kasama ay masaya
Kaligayahan na n'ya, sa tip nya'y may tumama
Mabalitaang may nanalo, sa tip nyang sigurado

Kaya ang PHF, maswerte sa miyembro
Kumpleto na tayo, meron pang Karkulado
Kaya naman bakit, ako pa ay magpapalit
Basta sa KARKULASYON, si Tolits ang s'yang CHAMPION

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin



Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #46 on: February 02, 2009, 01:42:31 PM »

   
 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin                       

MARAMING SALAMAT PO SA INYO


Maraming salamat mga mahal na kasama
Kayo ay tumugon sa munti naming panyaya
EB ng CALABARZON sa lugar ng Cavite
Kayo ay sumulpot upang kami'y makatabi

Si Tampogi'y huli na ng dumating (as ususal, he he he)
Sa biyenan ko kasi duon pa nanggaling
Mabuti't umabot, kasayahang hiling
At duon ay muli, mga Friends nakapiling

Salamat Bro KITES, sa iyong pagdalo
Sa Valenzuela'ng lugar mo, maski medyo malayo
Kagalakang makita ka, at makahalubilo
Presensya mo ay sapat na, maaalis ang siphayo

SHE-BOOM na aming muse, ako ay na-ammused
Kinumpleto ang grupo, ng mga otso bibo
Kasama n'yang kano, katulad rin naming gwapo (Roy din ata name n'ya, he he he)
Ingles kong kaunti, muntik ng mapasubo

Mabuti na lang maaga sila ng umalis (mamimili pa yata sila)
Kung hindi ay baka ingles ko ay dumaplis (Di ko kasi expect na me foreigner na bisita)
Dun kasi napaupo, sa tabi ni Kano (Late nga kasi e yun na lang ang available space)
Kaya s'yempre sa kwento, ingles ko'y obligado (Joseph Estrada ingles yata ini)

SECRETARIAT sa pagdating mo po ay salamat
Hindi ko inaasahang andun ka pala at nasipat
Nawa kami po sa CALABARZON ay narapat
Sa iyong panahon, kami ay naging sapat

CHELZEA na aming lubhang minamahal
Sa t-shirt mong pula, lubha kang naging tanghal (Favorite color yata nya ang red)
Bagamat medyo talo, at halatang di nanalo ( Di kasi nangiti e, he he he)
Masaya nama't nakita waswit at anak mo (Mukhang koreana po anak nya babae)

AVV na inisyal, sa ngalang Arnold Vistan
Sa table kaharap, kami po'y nagkausap
Matikas na lalaki, mukha rin pong galante (Panay kasi order at charge sa kanya)
Sa galing dumiskarte, pati byahe ni Zarate

Bata pa kasi'y batikan na si pare (matagal na palang karerista si AVV)
Kabayo ni Mahoma, memorized pa ring maige
Matatandang kabayo, mabagsik at de kalibre
Kanya pa ring naikwento, wala akong masabe

KUYA AMVENE na aming bida, nung araw na iyon
Mga tip n'yang dala, aming pinagtipon-tipon
Sa bakas naming tig-sampung piso
Kapag yun nanalo, balik nama'y libo

Nung tumakbo na itong si Royal Princess (nakataya kami d'yan)
At ng sumungaw sa last 350 meters (pa-remate na po, dyusko kapiiiiiit lang sana)
Sa kapapalo nitong si Kuya Amvene (daig pa hinete kasi pinapalo nya yung pader)
Pader ng OTB naglamat na maige (pati palad ni kuya amvene mapula, he he he)

Nuong ang manalo ay si Cool Dancer
Si Kuya Amvene napatingin sa pader (sabay palo at sabing... sayang)
Kasi naman ay pumorcast, lang si Royal Princess (Forecast pala dapat taya namin)
Kaya naman biglaan tumahimik kami (Whaaa, di kasi nadala maganda ni hinete)

Aking napansin isang bigotilyo
Katabi ni Sir Denz, isa rin pong macho
Sabi ni Insang Ernet, si AUSTRALIAN CAT'yon
Na tunay na pangalan ay si Ronnie Lauzon (kita tayo uli bukas d'yan sa Imus OTB)

Aking napansin, binatilyong maputi (binata pa nga ba Bro?)
De hikaw sa tenga, tahimik at pala ngiti
Iyon pala si EVIDENZE, ngala'y Edmond Asis
Maging kaibigan ka, iyon ang aking nais

Biglang merong bisitang dumating
Balingkinitan at moreno parang si Papa King (Mukhang gigolo rin po kasi, he he he)
Alyas pala nya'y COUNTERMOTO, sadya talaga'y pumarito
Upang makita, magigiting na kabalyero

Picture picture kami, nitong si COUNTERMOTO
Pangala'y Bong Casal Jr., baka ngala'y pamilyar kayo
Horse trainer kasi, mga kapamilya nito
Muntik na raw maging hinete, itong kaibigan ko

Alas sais ng gabi, dumating si tatay Abel (Erpat po ni Alcapdubai)
S'ya po ang may ari ng Imus Transport OTB
Kumpleto sa aming party, PHF t-shirt n'yang uniporme
Makisig na lalaki, Pangalan ay ABELINO CAPILI

Agad s'yang umorder pulutan at tsaka beer (para sa PHF group)
S'yempre ay charge, dito kay tatay Abel (galante din po si tatay)
Sa akin ay tumabi, upang lalong mapaige
Dehadong kabayo, baka daw aking maibahagi

Di alam ni Tatay na ako ay Liyamadista (Sigurista kasi ako at byahe lang ang talo)
Pilit lang sa akin tumaya na dehadista (Minsan lang pag me info tip, he he he)
Komo s'ya ang bida, aking ginampanan na (May libre kasing pulutan at beer e)
Dehadong kabayo, pinili ko me panalo (Salamat po sa tip ni kuya Amvene)

Si SPEED HORSE, huli na rin ng sya ay dumating
Pero sa kasabihan, Huli man daw ay magaling
Aba e magaling nga at umorder po ng beer
Kaya kami ay nalashing, sa dami ng nag-offer (dami po naming drinks)

VICTORY JOE, I will never forget this partner of EUFSANGELS
Always ready at palaging ang tip ay tila angel
Magaling kasi s'yang sumilip, sa review nya ay walastik
Felix Falmon ang pangalan, sa dehado ay anong tinik

Meron akong napansin, isang kasamang tahimik
Sa tabi ni CHELZEA, tila tipid ang pag-imik
Ang sya ay makilala, ako ay nasasabik
Hindi lang makapoma, si waitress panay ang balik

Siya pala si SIMPLY JUN, kasama sa PALM Chapter
Kasama pala n'ya si Sir Denz at dito ay nag jump over
Akin biglang naalala, binatang problem ay make over
Upang ma-win si biyenan, because sya ay isang lover

SIMPLY JUN, para sa akin, hindi ka isang simple
Sa ganda mong lalake, bakit hirap ke balae (Si balae mong hilaw p're)
Dangan nga lang at kulang, oras natin sa mini EB
Upang tayo ay mag-usap, patungkol sa babae (d'yan ako me konting alam e, he he he)

Hayaan mo at sa susunod na tayo ay magkita
Baka sakaling me dala, kaparehas na problema (About ke biyenan ba?)
Huwag mag atubiling, sa akin ay makipaghunta
Ating aayusin, itong meron, meron sinta

WILLING12, first time po, na tayo ay magkita
Dangan nga lang at sa bakas, tayo po ay minalas
Pero di bale sa next time, ,yung bakas bente uulitin (bakas kasi PHF 20petot/head DD)
Bakasakaling sa susunod, ang win na ay sa atin

Yung ibang hindi ko na po nabanggit
Pasensya na po at h'wag maiinggit
Di ko kasi nadala iyong ating attendance sheet
Kailangan lamang tula ko ay mai-submit

Pasado alas nuwebe ng kami ay umuwi
Bagamat sa karera kami ay naging sawi
Sa kaibigang nakasama, mga ngiti ay namutawi
Ang tayo'y magkasama-sama, yun ang tunay na wagi

Pagkatapos kong ihatid grupo ni insang Ernet
Bigla kong na-isip pagpa-plantsa ng damit
Bukas nga pala ay papasok, gusot pa mga damit
Madaliang umuwi, upang kabayo ay itindig

Iyan kasi ang mahirap kapag wala kang alalay (wala pa po kasi kaming maid, whaaaa)
Ikaw ay obligado, at dapat na masanay
Labadang primera klase, plantsang liston ay pang manly
Upang pagpasok mo sa office, ika'y nangangamoy pa ng downy

Muli po sa susunod, ang inyo pong abang lingkod
Ang kayo ay makasama, ako po ay nalulugod
Sana laging mayroon, mga kasamang tulad n'yo
Sa konti kong problema, makasama kayo ay naglalaho

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
                             


Insang Ernet aka EUFSANGELS salamat at nakaraos tayo ng mini EB maski medyo nagkabiglaan at madaliang na-ikasa e naging successful naman tayo. See you next time. Di na kta ibinida kasi e kilala ka na rito sa PHF, he he he.

                             
 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin


Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #47 on: March 02, 2009, 02:47:47 PM »



Matagal na rin akong, di nakapag post dito
Ako kasi ay naburo, napatali sa trabaho
Concentration ay apektado, sa pagkatha ng tula ko
Kaya sumandaling huminto, mundo ng pagtula ko

Maraming salamat insang Ernet, hibla ko ay dinikit
Upang di ito matabunan, at mawala kailanman
Tulad mo rin kasi ako, parehas ng trabaho
Opisinang accounting, trabahong mabutinting

Ngayon ay sumingit, nang kahit konti ay mag-ipit
Upang mabuhay ng konti, hiblang para sa pogi
Kung saan ang s'yang bida, itong ating kasama
Na sa hirap at ginhawa, pirmi nating kabaka

Malapit na ang EB, d'yan sa San Lazaro
Kung saan muli tayong, duon ay dadako
Kung sakaling palarin, ako ay sama rin
Upang muli ay humanap, bida sa biglang sulyap

Yung petsang a-kinse, sa buwan nitong Marso
Tila yata delikado, sa iskedyul ko ay malabo
Meron kasing natanguan, malapit na kaibigan
Ako daw ay mag-ninong, sa anak n'yang bagong kalong

Anyway kung sakali, magawan ko ng diskarte
Mapunta sa mini EB, maski oras ko ay konti
Makamayan ang mga tropa, konting kaway at kumusta
Upang laging sa ala-ala, si Tampogi ay kasama

D'yan naman kasi ako, tunay po na masaya
Ang makihalubilo, madagdagan ang kakilala
Kaya dito sa PHF, friendship akin pong una
Segunda na lang po, sa akin ang karera

Marami pa akong, hinahanap na maging bida
Dito sa PHF, kailangan ko lang makilala
Upang sa aking pagbirada, swak sa lasa at kartada
Upang sa mambabasa, di maasim na lemonada

Kaya ready mga pare, gayun na rin si kumare
Kwentuhang mangyayari, magandang simula sa diskarte
Upang sa aking pag-uwi, misyon ko ay hindi masawi
May bagong bidang mahihila, sa birada naka-bala

Tanong nitong si Bubuwit, pwede daw ba s'yang mag-request
Yun daw si ganito, baka pwedeng unahin ko
Sabi ko ay titignan ko, kung present ang pili mo
Kung sa EB siya'y dumating, baka ako'y magpahaging

Meron pa din isang ale, ang kanyang gusto na isali
Ang sabi ko okey ito, sana duon makita ko
Kasi ay matagal na rin, gusto ko s'ya na batiin
Di lamang nagkakataon, makita sa pagtitipon

Pati fave n'ya na hinete, baka rin daw pumwede
Aba teka ang sabi ko, taga kabila yung hinete
Kilala ko na salbahe, sagad-sagad kung bumyahe
Itong aking si Bubuwit, walang dala kay hinete

Bigla kong naalala, fave ko na hinete
Bakasakaling makita, pareng FYKE bahala ka (kilala mo yun Bro)
Gusto ko s'yang makamayan, at maka-huntahan
Ang s'ya ay makilala, isa na ring karangalan

Pati fave ko na kabayo, sana nuon ay may takbo
Maski na s'ya ay panggulo, maglalagay ng taya ko
Ito kasi ay nangako, lalabas po ng dehado
Basta lang daw masilip ko, gaganda ang kanyang trangko

Yung horse owner na fave ko, siguradong sasama ko
Sana siya ay libre, upang aking makatabi
At akin s'yang matanong, konti n'yang sikreto
Bakit sya ay palaging, masaya at laging Macho

Sa dami nitong pinlano, malamang ako'y obligado
Na dumating at magtagal, sa EB natin sa Marso (March 14 or 15 @ SLLP)
Kasi kung hindi ko ito, magawa at napasubo
Malamang na paktay ako at baka suspended pa ako ( sa Birada po, he, he, he)

So s'ya sige at gagawa, paraan na makapunta
Inaanak sanay naman, utang muna sa umpisa
Saka na ang pagbabayad, pag Pasko ay sumapit na
Pati birthday isama na, upang bayad ay lubos na (he, he, he)

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #48 on: March 02, 2009, 11:33:54 PM »

Insan kong mahal, birada'y nagtagal
Talagang ganyan, trabaho ang sagabal
Ngunit ako'y masaya na at ika'y nasulyapan
Maligayang pagbabalik dito sa Tambayan

 Grin Grin Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #49 on: March 06, 2009, 08:01:45 AM »



 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Kuyang Chino, Isa kang tunay na tao


First time kitang nakita, sa San Lazaro ang karera
EB natin sa CALABARZON, duon tayo nagtipon
Nakasama ka namin, nakamayan pa mandin
Makisig na ginoo, porma ay isang macho

Halata mo sa pustura, dugo nya’y maharlika
Kung di mo kilala, mahihiya kang makasama
Sa entrada pa lang n’ya, pakiramdam ko’y magaan na
Hindi kasi s’ya suplado, palangiti pa na tao

Ang kanyang prinsipyo, hayag na sa tao
Hindi s’ya manggagantso, patas sa trabaho
Kaya naman si Sir Chino, mahal ng kanyang tao
Mapagpakumbaba at matalino, tulad ko rin s’yang gwapo (He, he, he)

Kaya naman pagpapala, malapit po sa kaniya
Marangal ang pamilya, sa lipunan ay kilala
Ayaw n’ya ng sakim, na kung tumira ay palihim
Sa mga taong traydor, di po s’ya kunsintidor

Bihira ang taong, katulad ng bida ko
Sa estado ng buhay, angat s’ya sa tulad ko
Pero di n’ya pansin, dahil sa buhay patas tayo
Sa kanya ang importante, friend kita sa totoo (ayaw po kasi n’ya ng sinungaling na tao)

Kaya sa di pa kilala, itong si Kuyang nating Chino
Sa EB next week, punta na sa San Lazaro
Dahil si Kuyang imbitado, at sana ay makadalo
Upang muli s’yang makasama, at ating makasalo (umiinom po kasi s’ya, konti nga lang)

Congrats uli Kuyang ko, h’wag sanang magbabago
PHF na pamilya mo, lagi kaming support sa ‘yo
Kumontra sa kabayo mo, aawayin ko ng todo (alam ni FYKE yan, he he he)
Lalo na kung sinabi mo, laban ang kabayo nyo

Kuyang ikaw’y hahanapin, sa EB natin ngayong Marso
Upang muli kang kamayan, personal na maka-beso
Dito kasi sa PHF, sama-sama mga gwapo (Yeheey, ayan sama na lahat ha?)
Kaya naman swerte ako, nakasama ay kayo (PHF Family salamat po)

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #50 on: March 16, 2009, 09:37:12 AM »



 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

EB @ SLLP, It's a Success!
   (Pati Bida kong Friend ay humanga)

First Grand EB natin, ay isang success
Sayang nga lang, at aking na-miss
Kasayahan ng tropa, di ko na-witness
Nagkasya na lamang, sa pakikipag-text

Marami daw d'yan, sa Grand EB ay dumating
Balita sa akin, ng bubwit kong may dating
Miyembro kasi s'ya, sa itaas ay umattend
Masasaya rin daw, mga member sa PHF

Solid force din daw, ang dating ng tropa (my PHF Family)
Kagaya rin daw, ng sarili n'yang tropa
Kasayahan ninyo, ay batid din nila
Kaya naman masaya, San Lazaro na karera

Updated ako, sa mga pangyayari
Masipag kasi, itong aking kumpare
Sumisilip din s'ya, d'yan sa grupo natin
Iyon kasi ang akin, na sa kanya ay tagubilin

Sa pictures ng EB, aking masasabi
Masasayang kaibigan, ang nagtabi-tabi
At ang kwentuhan, kasama na ang tawanan
Sulit na pagkikita, sa pustura n'yo ay nabasa

Kaya aking pagyayabang, sa kumpare kong humanga
Ang ating samahan, lubos ang kasiyahan
Bagama't di hanap, promosyong kasikatan
Samahan ng PHF, nabuhay sa balikatan

First time daw n'yang nakita, solido nating tropa
Kwento lang kasi, dinig n'ya daw sa una
Kaya ngayon paniwala, kumpare ko sa kabila
Na tunay at maaasahan, itong ating samahan

Kaya ngayon kanyang sabi, bilib na ako sa iyo pare
Kaya pala ganun na lang, ang PHF isanggalang
Maski na ilang beses, ikaw ay aking sinasali
Pero sa PHF ka pa rin, ulanin man o arawin

Sa kabila isa s'ya, sa masasabi nilang bida
Kaya naman hanga s'ya, sa PHF ako bumirada
Kaibigan n'yang kasama, maski na tila naka-kontra (Kontra Grupo daw)
Pero walang siraan, tuloy pa rin ang kaibigan

Salamat sa mga ka-tropa, na sa akin ay nag-text
Sapagkat sa Grand EB, di raw nila 'ko na-meet
Marami pa namang EB, ang sa PHF darating
Magkikita rin tayo, upang personal na maka-beso




 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #51 on: April 13, 2009, 04:43:22 PM »



 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin


Joey, my TRUSTED Friend

Una ko s'yang nakilala, sa EB ng CALABARZON
Ginanap sa San Lazaro, nuon pong isang taon
Matikas na lalaki, kutis n'ya ay makinis
Sa pustura pa lang, Richard Gutierrez ang kaparis

Palagi s'yang nakangiti, isang taong palabati
Lapitan s'ya ay kay buti, hindi ka mama-mali
Hindi s'ya suplado, napaka masayahin pang tao
Kaya pag sya'y makita mo, araw mo ay ganado

Ilang EB na rin naman, nakasama si kaibigan
Hindi s'ya nagbabago, sa pakikisama'y aprubado
Kaya naman kung nasaan s'ya, ang grupo ay masaya
Maski na talo si kabayo, masaya pa rin si pare ko

Sir TRUSTY sa karamihan, JOEY naman sa kaibigan
Aktibo s'yang miyembro, dito sa ating samahan
Swerte tayo sa PHF, merong JOEY'ng maasahan
Isa s'yang TRUSTED friend, hindi tayo bibitawan

Kaya naman sa PHF, ang miyembro ay dumarami
Dahil meron tayong miyembro, kagaya nitong si Sir TRUSTY
Isa siyang huwaran, ng mahusay na miyembro
Upang maakit ang mga bago, na sa atin ay sumalo

Isa siya sa mga tao, sa PHF ay bilib ako
Kaya naman ako dito, nagtatagal bilang miyembro
Dahil sumisigla ako, pag kaharap ko ay ganitong tao
Dalisay ang talino, igagalang ang prinsipyo


 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #52 on: July 27, 2009, 10:23:15 AM »




 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin



Attorney Rhon, Ang TAGAPAGLIGTAS

Isang taong kinilala, sa larangan ng abugasya
Dito sa ating site, hinangaan sa karera
Tip n'yang times times, marami ang umasa
Info sa karerang nakuha, kanya itong ipapasa

Hindi kasi maramot, itong kaibigang ating bida
Kapag siya ay bumirada, nagigiba pati balya
Kapag sya ay kasama, ay anong grabe ang saya
Aktibo at isang bibo, masayahin pong talaga

Nung una kang makita, Sa San Lazaro ang karera
Ako'y medyo nahiya pa, di ka pa ga'nong kilala
Akala ko ay mahirap kang, malapitan at makasama
'Yun pala'y friendly ka, at kay husay pa na kasangga

Kaya nga mula nang, makilala ka ng tuluyan
Sa bawat Aybol natin, hanap kita kaibigan
Kasi ako ay nalilibang, sa ganda ng kwentuhan
Mapolitika o Karera, marami akong natutuhan

Mapagbiro pa si Atty., at iyong kagigiliwan
Minsan ang aming kwentuhan, may hapyaw pang kabulastugan
Kaya naman akala nila, isa rin akong abugado
Dahil tumatagal ako, di nauubusan nitong kwento

Sa totoo lang si Atty, alam n'ya ang sekreto
Kung paano maging bida, at gumaling na kabalyero
Maging mapagbigay, matulungin sa kapwa tao
Iligtas ang naaapi, iyan ang sugong abugado

Kaya naman natutugma, tawag kong tagapagligtas
Kasi itong si Atty, sa husay ay walang kupas
Kaso na may talo, kanya itong nai-papanalo
Kaya naman sa husgado, Atty. Rhon ang liyamado

Pagdating din sa karera, mga dehadong kabayo
Hindi nakakaligtas, sa taya nya ay kasalo
Kaya naman pag nanalo, at sinasasabing hugando
Si Atty ay bubulong, heto Tampogi ang balato

Alaga ko rin itong, kaibigan kong abogado
Medyo delikado kasi, blood pressure nyang masasabi
Kaya naman sa pagkain, nire-remind kong mabuti
Mag-ingat sa masasarap, sa pagkain ay correct diet

Bawat miyembro sa PHF, may sariling identity
Meron d'yang makata, meron ding mang-aawit
Ito namang si Atty, kinilalang abugado
Kung problema mo ay indulto, si Atty ang tawagan mo

Pagdating sa pamilya, Ito lagi ang kanyang una
Deep inside alam ko, ulirang ama na totoo
Bagamat sa biruan, playboy ang dating namin sa inyo
Pero ang sadyang totoo, stick to one ang aming motto

Iyan kasi ang mahirap, pag ikaw ay karinyoso
Akala tuloy ng iba, itong si pare ay palikero
Ang hindi nila alam, likas lamang na ma-kwento
Pag-uwi kasi ng bahay, kay misis ay no reklamo

Magtatagal pa ang pagsasama, kaibigan kong kasing gwapo
Kaya dapat lagi tayong, magkikita sa bawat Aybol
Upang lagi tayong, re-charge at aktibo
Masaya kasi ang samahan, pag kumpleto't may abogado


 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

Logged
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #53 on: September 28, 2009, 04:35:33 PM »


                    COMEINGLORY

Ito pong ating kasama, na bibigyang pahalaga
Sa thread ni Tampogi, si CIG na ang bida
Armand Amurao pangalan nya, mataginting pong talaga
Ang susunod basahin na, sya pong tunay bahala na

Ako raw ay pangahas, ng tawagin syang Playboy
Ang totoo sabi nila, isa daw po 'tong Loverboy
Mga tsiks ay kagulo na, pag si Arman ay lumaboy
Parang sya lang nag-iisa, sa alyas na Great Loverboy

Di ko alam ba't sa Pasay, karisma nya ay kay husay
Mga babae daw po d'yan, Kay Arman humahapay
Dangan naman daw po kasi, ang diskarte'y walang sablay
Babetsking makatabi, tirik mata na may laylay

Nakakainggit naman kako, kung ito po ay totoo
Baka naman d'yan sa Pasay, naubos na mga Macho
O baka naman may agimat, itong si Pareng Arman ko
Kaya naman ganun na lang, mga tsiks ay tuliro

Pero teka mga partner, sa akin po ay may nag-text
Ngayon daw po si CIG, nagbago na kanyang lupit
Di na raw po sya mahilig, sa mga tsiks na may lagkit
Dahil naiisip yata po, baka maagang mapapikit

The BEST na kaibigan, marami sa inyo'y alam na yan
Hinding hindi nya po kayo, makakayang pabayaan
Isang taong merong motto, WALA PO TAYONG IWANAN
Maging hanggang sa tayo ay, pulutin na sa kangkungan

Kapag si Arman ay absent na, dito sa ating PHF
Madali mong mahalata , sa dami ng naghahanap
Ako nga rin po'y nalulungkot, at parang ayaw ng sumulyap
Pag itong si CIG, naka-offline na at low bat

Kaya kasamang CIG, isa kang ONE AMONG THE BEST
Presensya mo ay important, yan ay batid ng all the rest
H'wag sanang magbabago, sa iyong pagiging FRIENDLY
Upang kami sa PHF, mamalaging sa iyo'y HAPPY


Akin lamang inangat, akdang matagal ng gawa
Sa aking pagbabasa, bigla kitang naalala
Kaibigang dakila, iyan ay alam mo na
Sana'y ma-remember mo, si Tampoging friend mo

Matagal na rin naman, tayong 'di nagkikita
Tila limot ko na, itong macho mong pigura
Last time nakwento mo, Vicky belo ang punta mo
Kaya exited na ako, makita ang face mo

Sa EB'ng susunod, ikaw ang hahanapin ko
Upang mapurbahan, galing ni Vicky Belo
Bakasakaling di mo na, kailangan ang agimat ko
Akin na lamang itatabi, at sa iba ko ibabahagi
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #54 on: February 12, 2010, 06:31:48 PM »

Insan kong sakdal giting
Lahat na yata'y minagaling
Pwede ka bang bumirada
Na pabaligtad ang sampa

Orasyon na naman
    Ganap na ika-anim ng gabi
Oras ng pag-iisip
    Oras ng pagdidili-dili
Isipin ang mabuti
    Ang masama'y iwaksi... Roll Eyes

Sana ang mabuti'y laging manaig
Dito sa bahay na tigib ng pag-ibig
Sino mang magnais na ito'y gibain
Hawakan nawa ng Diyos na mahabagin.
Logged


Apo ni Balagtas!
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #55 on: July 05, 2010, 02:03:02 PM »



Ako po ay natutuwa, lagi na lamang may bisita
Itong Biradang ginawa, patungkol sa ating mga bida
How I wish sana bukas, isa sa mahal nating guest
Ang ma feature sa Birada, at itanghal nating bida

Kaya sa ating mga guest, wag na pong mag atubili
Kayo po ay magpa register, at di kayo magsisisi
Dahil itong site ng PHF, walang wang-wang, walang bastos
Edukado at sibilisado, makakasama ninyong miyembro

Sana after mong mabasa, minamahal na bisita
Itong tula na ginawa, next ka na sanang maging BIDA
At sa EB (PHF Eyeball) na darating, ikaw sana ay mag-attend
Ikaw ay aking hahanapin, lalagi ako sa 'yong tabi

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #56 on: July 05, 2010, 02:19:35 PM »

Salamat Insan sa iyong pagsungaw
Tuwa sa puso ko'y nangingibabaw
Alam ko naman ang puso mo'y uhaw
Na bigyan kami ng birada araw-araw

Sana'y bigyan ng mahabang panahon
Upang mga batikan ay iyong i-kahon
Bigyan ng mga biradang sumasang-ayon
Sa kanilang katapatan dito sa ating lupon

Nawa ako rin ay manatiling ma-alab
Sa pag-gawa ng tula'y hindi sasadsad
Basta may sandaling ginto'y ilulunsad
Sariling birada'y dito ko rin ibababad...
Wink Cheesy Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
tampogi
Board Moderator
*****
Online Online

Gender: Male
Last Login:Today at 03:46:04 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724


« Reply #57 on: July 05, 2010, 03:39:08 PM »




Pwedeng pwede naman Insan, kung sakaling iyong maisipan
Ikaw ay kumatha, at bumirada ng akda
Makatagpo ng isang BIDA, na pwede dito sa BIRADA
Iyo lamang i-post, idugtong dito sa hibla

Maaring merong isa, o baka kaya ay dalawa
O maski na marami pa, sa ating mga nakasama
Ang sa iyong isipan, ay nararapat ng bigyan
Ayos lamang aking Insan, ilagay mo't aking aayunan

Mas marami ka nang, nakasalamuha sa tropa (PHF members)
At humigit kumulang, mas kilala mo ang karamihan
Kaya naman kung sakali, wag ka ng mag atubili
Dito sa hibla ng BIRADA, mag feature ka na ng ating BIDA

 Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin Grin

 
Logged
Pages: 1 2 3 [4]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.111 seconds with 22 queries.