Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 03:48:29 PM
Welcome,
Guest
. Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
News
:
Home
Help
Radio
Login
Register
LIVE RACES
Today
at 03:34:59 PM
aga
- ok sir. pm sent sir jhay ar
Today
at 03:33:44 PM
jhay ar
- pm po kta sir pag my bi2li smin sampaloc mnla po ako
Today
at 03:32:10 PM
aga
- 5k po 100m
paki compute nalang po
Today
at 03:29:59 PM
pasaway
- ang dami naman nyan, 2billion hehehe....
Today
at 03:29:07 PM
jhay ar
- sir aga mag kano po
Today
at 03:20:43 PM
aga
- wanted buyer ng chips sa FB 2 billion hehehe
Today
at 02:58:13 PM
kareristaboy
- SE musta ka na? long time no see
Today
at 02:54:03 PM
nelsonlee
- calracing.com
Today
at 02:36:02 PM
blink
- i can or should i say we can...
Today
at 02:18:52 PM
CHOLS
- GAndang hapon po sa lahat...
View All
Pinoy Horse Fanatics
>
Anything Goes Here
>
TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN
(Moderators:
tampogi
,
eufsangels
,
arniebartley
) >
SI TAMPOGI NG BUMIRADA, SIR ULTIMOKUWARTO IKAW ANG BIDA
Pages: [
1
]
« previous
next »
Print
Author
Topic: SI TAMPOGI NG BUMIRADA, SIR ULTIMOKUWARTO IKAW ANG BIDA (Read 224 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
tampogi
Board Moderator
Online
Gender:
Last Login:
Today
at 03:47:13 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1724
SI TAMPOGI NG BUMIRADA, SIR ULTIMOKUWARTO IKAW ANG BIDA
«
on:
May 04, 2009, 09:51:45 AM »
[Sir ULTIMOKUWARTO, FINALSTRAIGHT ang panalo
Nung una akong sa PHF ay mag-miyembro
Merong isang tipster ako na inidolo
Alyas nya ay FINALSTRAIGHT, mga tip ay pasado
Sa mga rota at taya ko, tip nya ang gabay ko
Nang magka-problema, ang site natin nung una
Ang suki kong tipster, tila rin nawala na
At nung manumbalik, ating site na PHF
Ay muli kong hinanap, posting ni FINALSTRAIGHT
Pero ako ay nabigo, at tuluyang nanlumo
Ang sabi ko sa sarili, ang suki ko ay nalayo
Baka siya ay lumipat, sa ibang site ay humalo
Sayang di ko man lang, nakilala ang idol ko
Mga araw ay lumipas, sa site nating walang kupas
At maraming nakilalang, tipster na magigilas
Na sa aki’y tumulong, sa paglipas ng mga oras
Sumandaling nalimutan, kay idol ay kumalas
Marami ng PHF EB ako na napuntahan
Sa bawat umpukan, dama ang kasiyahan
Akin ng nakalimutan, hanap na kaibigan
Tila wala ng pag-asang, siya’y muling masumpungan
Hanggang isang araw, isang tipster ang natuunan
Tila ang kanyang istilo, parang hindi na bagito
At halos tant’yado, sa pagpili ng kabayo
Sukat n’ya ang takbo, pati ugali ng kabayo
Bigla kong naalala, idolo ko nunong una
Ganito rin ang porma, kung s’ya ay magkarkula
Sa bawat karera, hinihimay n’ya ng sobra
Upang karera tip n’ya, ay huwag mapasala
Ako ay nagtanong, sa mga friend ko dito
Sino ba ikako, si ULTIMOKUWATRO
Iyan sabi nila, tipster na beterano
At sa PHF, matagal na rin siyang miyembro
Sa pagtatanong ay aking nalaman
Siya pala si FINALSTRAIGHT, ang nawawala kong kaibigan
Na una ko ng sa PHF, ay lubos na hinangaan
Sa aking nalaman, nalubos ang kasiyahan
Kaya naman inambisyon, siya ay aking matunton
Upang makilala, makita s’ya in person
At ang aking paghanga, personal kong ipatugon
Ikaw sir Fred ay matagal ng, makita ang aking layon
Sa EB ng Manilenyo, ako ay nabigo
Hindi kasi kami nag-abot, maaga daw s’yang humayo
Kaya ang sabi ko, next EB sana ay makita ko
Ang aking idolo, makapiling s’ya ay panalo
Sa wakas ay nangyari, ang CAMANAVA ay nag EB
Super m siniguro, si Sir Fred ay paparito
Antay-antay lang tayo, mamaya ay makikita mo
Si Ultimokwarto, matagal ng hanap mo
Nang kami ay magkita, hindi ako makapaniwala
Akala ko si Sir Fred, ay isa ng matanda
Pero hindi pala, at mukha nya’y tila binata
Kasing tikas ko pala s’ya, habulin din ng mestisa (he, he, he)
Tahimik s’yang tao, angat ang porma n’yang macho
Nang s’ya ay makamayan ko, ramdam ko na ang panalo (talunan kasi kami nung araw na yun, he he he)
Masaya na ako, naipaabot ang pakay ko
Makilala si idol, ang tipster na may panalo
Bagamat sandaling oras, ang aming pag-uusap
Ako kasi ay kargado, inuming singko litro
Medyo ako ay tuliro, oras na kasi ng pag-uwi ko
Si misis ay nag-text na, ako raw ay umuwi na
Next time na tayo ay magkita, matagal na ang ating paghu-hunta
Upang mas lalo pa, tayong dalawa ay magkakilala
Ramdam ko kasi, kabaitan mong dala-dala
Larawan ng tunay, at the best na kaibigan
Ngayon ay malakas na, loob kong manaya
Nagbalik na kasi, bwenas kong taga-giya
Malamang ay pakyaw, swerteng aking mapapala
At aking mababawi, pagpapalang nawala
/b]
Logged
Pages: [
1
]
Print
« previous
next »
Jump to:
Please select a destination:
-----------------------------
Lobby
-----------------------------
=> WELCOME AREA
=> Introduce Yourself
=> WEBSITE ASSISTANCE
=> Forum Rules & Guidelines
=> The PHF Family Tree
-----------------------------
General Category
-----------------------------
=> NOTICE to ALL GUESTS of PHF
=> DAILY DEVOTION
=> TODAY'S BIRTHDAY CELEBRANTS
=> ANNOUNCEMENTS - Your ATTENTION, please!
=> Greetings, Personals, kudos, etc.
=> Horse Lovers, Horse Owners, Horse Breeders and horse trainers
=> HORSE RACING around the WORLD
-----------------------------
RACING TIPS and INFO
-----------------------------
=> NOTICE
=> TIPSTERS CONTEST
-----------------------------
PHF SPORTS CLUBS
-----------------------------
=> PHF BADMINTON CLUB
=> PHF BILLIARDS CLUB
=> PHF BOWLING CLUB
-----------------------------
PHF Chapters
-----------------------------
=> CAMANAVA-BUL Chapter
=> Manila Chapter
=> Marikina Chapter
=> KYUSI Chapter
=> P.A.L.M. Chapter
=> Metro East Chapter
=> CALABARZON Chapter
=> OVERSEAS Chapter
-----------------------------
Anything Goes Here
-----------------------------
=> PHF UNIVERSITY
=> QUOTABLE QUOTES
=> Buhay Pinoy
=> TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN
=> Food, Drinks & Recipes
=> Religion, Values & Beliefs
=> BUHAY PROBINSYA at IBA PA
=> CLASSIFIED ADS - Buy, Sell or Trade
=> WEATHER REPORT
Loading...