Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 02:59:04 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News:
 
   Home   Help Radio Login Register LIVE RACES  
Today at 02:58:13 PM kareristaboy - SE musta ka na? long time no see Smiley
Today at 02:54:03 PM nelsonlee - calracing.com
Today at 02:36:02 PM blink - i can or should i say we can...
Today at 02:18:52 PM CHOLS - GAndang hapon po sa lahat...
Today at 01:46:17 PM jam_attaq - spanish sa pinas ba kau?
Today at 01:28:43 PM spanisheyes - meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today at 01:27:58 PM mikonoro11 - gud pm bayang karerista
Today at 01:27:55 PM spanisheyes - meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today at 01:16:22 PM rickyg - okey mam, nite nite
Today at 01:15:54 PM sexy eyes - sleep lng muna ako coach ricky..sir gab...tito boy dreamrose..aga...at sa mga naka online...laterz

View All


Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Mga Tula Para sa Nalalapit Na Maligayang Araw Ng Mga Ama (sa Ika-21 ng Hunyo)  (Read 971 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
arniebartley
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920



« on: June 10, 2009, 02:02:20 PM »

Parangal Sa Isang Haligi Ng Tahanan

Ang ama ang ulo ng kanyang sambahayan,
Matibay na haliging sandigan ng tahanan;
Natatanging huwaran, batbat ng karunungan,
Ang kanyang salitā ay pinagpipitaganan -

Siya ay nagmamahal sa kanyang asawa,
Na nagpapasakop sa mga tuntunin niya;
Ang mga anak niya'y gumagalang sa kanya,
'Di siya nagkukulang ng kalinga sa kanila -

Ang ama'y masipag sa paghahanapbuhay,
Sa araw-araw siya ay laging nagsisikhay;
Mga kamanggagawā sa kanya'y nagpupugay,
Sa kanyang kasipagan at katapatang tunay -

Higit sa lahat, siya'y may takot sa Diyos,
Sa pagmulat ng mata, sa Kanya'y dumudulog;
Taimtim ang dalangin na sa pusņ niya'y taos,
Na sa Kanyang Salitą ay laging nakahubog -

Bilang isang ama ay nais kong tanawin,
Ang mahal kong ama na huwaran sa akin;
Sa katuwiran, kasipagan, katalinuhang angkin,
Kabutihan, kababaan at pagka-mahabagin -

Nais kong ipagbunyi ang kanyang kagitingan,
Sa tula kong ito, siya ay maparangalan,
"Hindi ko makakamit itong aking tagumpay,
Kun'di dahil sa iyo, o mahal kong Tatay!"
Logged

Apo Ni Balagtas
Manunulą at Manunulat
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.068 seconds with 22 queries.