Pinoy Horse Fanatics
September 10, 2010, 03:13:26 AM
Welcome,
Guest
. Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
News
:
Home
Help
Radio
Login
Register
LIVE RACES
September 09, 2010, 10:18:37 PM
Toshio Abe
- ay sya goodnight na at may pasok pa ako bukas kahit holiday
September 09, 2010, 10:17:24 PM
Toshio Abe
- Sabi ko na nga ba eh. Lasing lang siguro yun kaya ganyan. Kaya lang laging lasing eh
September 09, 2010, 10:16:34 PM
pangks
- @ TA - nagbilang lang ng pinatama ni Sir CIG...hehe
September 09, 2010, 10:15:30 PM
pangks
- COMEINGLORY - paktay KOntra ko Nanalo Whaaaaaa - anong bago?
?
September 09, 2010, 10:13:32 PM
Toshio Abe
- hahaha nabuhay si Pangks kumubra lang yata
September 09, 2010, 10:12:22 PM
pangks
- COMEINGLORY - paktay KOntra ko Nanalo Whaaaaaa - Sir CIG strikes again!!!!
September 09, 2010, 10:10:26 PM
dannyrabara31
- ano datingan sa last race?
September 09, 2010, 10:09:15 PM
ATTY52
- potek P2114.80 ang QT mali ang rota ko... hayyyyyyy.........
September 09, 2010, 10:06:06 PM
Toshio Abe
-
http://phf.com.ph/forums/in
... dex.php?topic=35800.msg3065... 56;topicseen#msg306556
September 09, 2010, 10:05:50 PM
ATTY52
- bukas ulit mga kapatid.. gudnyt..
View All
Pinoy Horse Fanatics
>
Anything Goes Here
>
TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN
(Moderators:
tampogi
,
eufsangels
,
arniebartley
) >
MGA TULA NI JOSE RIZAL
Pages: [
1
]
« previous
next »
Print
Author
Topic: MGA TULA NI JOSE RIZAL (Read 9824 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
on:
June 19, 2009, 10:13:03 AM »
Sa kaarawan ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, isang parangal sa kanya ang mainam na ilathala ang kanyang mga tula dito sa ating Tambayan. Ang isang tanyag niyang tula ay "Ang Huling Paalam (Mi Ultimo Adios)", pero bukod doon ay marami pang ibang napakagandang tula siyang ginawa...
Kundiman
Tunay ngayong umid yaring dila't puso
Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,
Bayan palibhasa'y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa't muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo't babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.
Awit Ng Manlalakbay
Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwa't bayang matatawag.
Hinahabul-habol yaong kapalarang
Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man,
Siya'y patuloy ring patungo kung saan!
Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,
Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.
Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya'y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!
Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,
Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.
Kung sa mga tanging minahal sa buhay
Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niya'y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.
Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,
Sa sariling baya'y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba'y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.
Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?
Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.
Sa Sanggol Na Si Jesus
O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't
Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?
Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?
Logged
Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #1 on:
June 19, 2009, 10:15:23 AM »
Ang Awit ni Maria Clara
Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.
Logged
Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #2 on:
June 19, 2009, 12:37:54 PM »
Pinatutula Ako
Iyong hinihiling, lira ay tugtugin
bagaman sira na't laon nang naumid
ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting
pati aking Musa ay nagtago narin.
malungkot na nota ang nasnaw na himig
waring hinuhugot dusa at hinagpis
at ang alingawngaw ay umaaliwiw
sa sarili na ring puso at damdamin.
kaya nga't sa gitna niring aking hapis
yaring kalul'wa ko'y parang namamanhid.
Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay
ang mga araw na matuling nagdaan
nang ako sa akong Musa'y napamahal
lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.
ngunit marami nang lumipas na araw
sa aking damdamin alaala'y naiwan
katulad ng saya at kaligayahan
kapag dumaan na'y may hiwagang taglay
na mga awiting animo'y lumulutang
sa aking gunitang malabo, malamlam.
Katulad ko'y binhing binunot na tanim
sa nilagakan kong Silangang lupain
pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw
manirahan doo'y sayang walang maliw.
ang bayan kong ito, na lubhang marikit
sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit
ibong malalaya, nangagsisiawit
mulang kabundukan, lagaslas ng tubig
ang halik ng dagat sa buhangin mandin
lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.
Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang
masayang batiin ang sikat ng araw
habang sa diwa ko'y waring naglalatang
silakbo ng isang kumukulong bulkan.
laon nang makata, kaya't ako nama'y
laging nagnanais na aking tawagan
sa diwa at tula, hanging nagduruyan:
"Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,
angking kabantugan ay ipaghiyawan
mataas, mababa'y, hayaang magpisan".
Logged
Apo ni Balagtas!
SeaNReineR
HARDCORE
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 05:30:14 PM
Age: 42
Location: Manila
Posts: 3564
KARKULASYON "IBARRA" PATOK =tolits=
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #3 on:
June 19, 2009, 12:51:45 PM »
Salamat po sa pag POST sa mga sinulat na TULA ni ninunong PEPE
Logged
LOOKS LIKELY A WINNER
"When the character of a man is not clear to you, look at his friends"
tampogi
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 04:24:33 PM
Age: 46
Location: cavite
Posts: 1732
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #4 on:
June 19, 2009, 01:48:45 PM »
Maraming salamat insan kong Ernet
Mga tula ni Rizal, ay iyong naisingit
Dito sa tambayan, ng mga malulupit
Pagdating sa tulaan, walang makakadaig
Matagal na rin namang, ako ay nabakasyon
Sa tambayan nating, pinaglaanan ng panahon
Na naging bahagi na, ng aking maghapon
Ang pagsilip sa hibla, ng makatang inipon
Naging busy lamang, at iyan ay totoo
Sa Grand EB natin, nito lamang Junio
Preparasyon ay kinain, oras nating buo
Upang maging masaya, pagkikita ng mga miyembro
Bagamat ang problema, hindi maiwasan
Sa mga oras na, hindi inaasahan
Magkagayunma'y naayos din Insan
At naging masaya, ang pinagtapusan
Hindi ako dito, nararapat magkwento
Nang mga nangyari, nuong nakaraang linggo (June 14 PHF EB @ SCLP)
Dahil ang dibdib ko, ay nagaalimpuyo
Baka lang makapagbitaw, salitang di gusto
Bilang isang MODERATOR, sa hiblang ito
Ayoko namang WARNING, ang syang makuha ko
Kung sakaling di mapigil, sumpa ng isang diyablo
Sa katauhang kong, nagmamarakulyo
Dahil sa isang taong, sadyang walang modo
Di tulad nitong, si Rizal na bayani ko
Kabaligtaran ni Rizal, ang sinasabi kong tao
Na kapag di nagbago, pupulutin sa purgatoryo
Hanggang dito muna, at nanggigigil ako
Pag naaalala, sinapit nung Linggo
Pakalmahin ko muna, itong aking kamao
At baka madurog, itong keyboard ko
Logged
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #5 on:
June 19, 2009, 06:07:26 PM »
Sa Kabataang Pilipino
Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.
Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na't lagutin
ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan ang putong na lubhang makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang alay
sa nagdurusa mong bayang minamahal.
Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng langit
paghanapin mo ang malambing na tinig
doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.
Ikaw na ang himig ay lalong mairog
Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot
at mabisang lunas sa dusa't himuntok
ng puso at diwang sakbibi ng lungkot
Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan
matigas na bato'y mabibigyang-buhay
mapagbabago mo alaalang taglay
sa iyo'y nagiging walang kamatayan.
Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit
ginuhit ang ganda at kulay ng langit.
Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala'y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.
Araw na dakila ng ligaya't galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo'y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.
Logged
Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #6 on:
August 26, 2009, 11:26:33 AM »
Sa Sanggol Na Si Jesus
O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't
Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?
Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?
Logged
Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #7 on:
September 05, 2009, 11:09:32 AM »
Huling Paalam
Paalam, bayan kong minamahal
lupa mong sagana sa sikat ng araw;
Edeng paraiso ang dito'y pumanaw
at Perlas ng dagat sa may Silanganan.
Buong kasiyahang inihahain ko
kahiman aba na ang buhay kong ito.
maging dakila ma'y alay rin sa iyo
kung ito'y dahil sa kaligayahan mo.
Ang nakikilabang dumog sa digmaan
inihahandog din ang kanilang buhay.
kahit kahirapa'y hindi gunamgunam
sa kasawian man o pagtatagumpay.
Maging bibitaya't, mabangis na sakit
o pakikilabang suong ay panganib
titiising lahat kung siyang nais
ng tahana't bayang aking iniibig.
Mamamatay akong sa aking pangmalas
silahis ng langit ay nanganganinag
ang pisgni ng araw ay muling sisikat
sa kabila nitong malamlam na ulap.
Kahit aking buhay, aking hinahangad
na aking ihandog kapag kailangan
sa ikaririlag ng yong pagsilang
dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang
Mulang magkaisip at lumaking sukat
pinangarap ko sa bait ay maganap;
ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas
na nakaliligid sa silangan dagat.
Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning
sa mata'y wala nang luhang mapapait
wala ka ng poot, wala ng ligalig
walang kadungua't munti mang hilahil.
Sa aba kong buhay, may banal na nais
kagaling'y kamtan nang ito'y masulit
ng aking kaluluwang handa nang umalis
ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.
Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,
ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan
ng isang buhay na lipos ng kariktan
sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.
Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin
sa gitna ng mga damong masisinsin
nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing
ito'y halikan mo't, itaos sa akin.
Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis
pagsintang sa dibdib may tanging angkin
hayaang noo ko'y tumanggap ng init
pagka't natabunan ng lupang malamig.
Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid
kalat na liwanag, malamlam pa mandin;
Hayaang liwayway ihatid sa akin
ang banaag niyang dagling nagmamaliw.
Hayaang gumibik ang simoy ng hangin
hayaan sa himig masayang awitin
ng ibong darapo sa kurus ng libing
ang payapang buhay ay langit ng aliw.
Hayaang ang araw na lubhang maningas
gawing parang ulap sa patak ng ulan
maging panganorin sa langit umakyat
ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.
Hayaang ang aking madaling pagpanaw
iluha ng mga labis na nagmahal
kapag may nag-usal sa akin ng dasal
ako'y iyo sanang idalangin naman.
Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,
mga nangamatay pati naghihirap
mga dusa't sakit ina'y tumatanggap
ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.
Ipagdasal mo rin mga naulila
at nangapipiit sakbibi ng diwa;
ipagdasal mo rin tubusing talaga
ang pagka-aliping laging binabata.
Kapag madilim na sa abang libingan
at nilalambungan ang gabing mapanglaw
walang nakatanod kundi pulos patay
huwag gambalain, ang katahimikan.
Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim
at mauulinig wari'y mga tinig
ng isang salteryo, ito'y ako na rin
inaawitan ka ng aking pag-ibig.
Kung nalimutan na yaring aking libing
kurus man at bato'y wala na rin mandin
bayaang sa bukid lupa'y bungkalin
at ito'y isabong sa himpapawirin.
Limutin man ako'y di na kailangan
aking lilibuting iyong kalawakan
at dadalhin ako sa 'yong kaparangan
magiging taginting yaring alingawngaw.
Ang samyo, tinig at himig na masaya
kulay at liwanag may lugod sa mata
paulit-ulitin sa tuwi-tuwina
ang aking taimtim na nasa't pag-asa.
Logged
Apo ni Balagtas!
Don Corleone
Core Member
Offline
Gender:
Last Login:September 08, 2010, 11:52:41 PM
Location: KYUSI
Posts: 2376
"GARY"
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #8 on:
November 25, 2009, 07:12:57 PM »
Saludo ako sa galing at talino mo Gat Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda !!!!
Logged
"WALK WITH FAITH
NOT BY SIGHT".
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #9 on:
April 19, 2010, 07:29:38 PM »
SA MAHAL NA BIRHEN
Ikaw na ligaya ng tanang kinapal,
Mariang sakdal tamis na kapayapan,
Bukal ng saklolong hindi naghuhumpay,
Daloy ng biyayang walang pagkasyahan.
Mula sa trono mong langit na mataas,
Ako'y marapating lawitan ng habag,
Ilukob ang iyong balabal ng lingap
Sa daing ng aking tinig na may pakpak.
Ikaw na Ina ko, Maraing matimtiman;
Ikaw ang buhay ko at aking sandingan;
Sa maalong dagat, ikaw ang patnubay:
Sa oras ng lalong masisidhing tukso,
At kung malapit na ang kamatayan ko,
Lumbay ko'y pawiin, saklolohan ako!
Logged
Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:September 09, 2010, 11:24:11 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6088
ernet / eufs
Re: MGA TULA NI JOSE RIZAL
«
Reply #10 on:
June 21, 2010, 07:35:45 PM »
Isang Alaala Ng Aking Bayan
Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito'y naglalagos sa 'king katauhan
lalong sumisigla't nagbabagong buhay
Kung aking masdan ang liryong busilak
animo'y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.
Naalaala kong may kasamang lumbay
ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko'y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya't kaaliwan
Di miminsang tumikim ng galak
sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa 'yong mga gubat
sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat
ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.
Ang kagubatan mong kahanga-hanga
Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa'y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.
Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito'y masagana ang saya ko't aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan ko'y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.
Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat
ako'y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.
Logged
Apo ni Balagtas!
Pages: [
1
]
Print
« previous
next »
Jump to:
Please select a destination:
-----------------------------
Lobby
-----------------------------
=> WELCOME AREA
=> Introduce Yourself
=> WEBSITE ASSISTANCE
=> Forum Rules & Guidelines
=> The PHF Family Tree
-----------------------------
General Category
-----------------------------
=> NOTICE to ALL GUESTS of PHF
=> DAILY DEVOTION
=> TODAY'S BIRTHDAY CELEBRANTS
=> ANNOUNCEMENTS - Your ATTENTION, please!
=> Greetings, Personals, kudos, etc.
=> Horse Lovers, Horse Owners, Horse Breeders and horse trainers
=> HORSE RACING around the WORLD
-----------------------------
RACING TIPS and INFO
-----------------------------
=> NOTICE
=> TIPSTERS CONTEST
-----------------------------
PHF SPORTS CLUBS
-----------------------------
=> PHF BADMINTON CLUB
=> PHF BILLIARDS CLUB
=> PHF BOWLING CLUB
-----------------------------
PHF Chapters
-----------------------------
=> CAMANAVA-BUL Chapter
=> Manila Chapter
=> Marikina Chapter
=> KYUSI Chapter
=> P.A.L.M. Chapter
=> Metro East Chapter
=> CALABARZON Chapter
=> OVERSEAS Chapter
-----------------------------
Anything Goes Here
-----------------------------
=> PHF UNIVERSITY
=> QUOTABLE QUOTES
=> Buhay Pinoy
=> TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN
=> Food, Drinks & Recipes
=> Religion, Values & Beliefs
=> BUHAY PROBINSYA at IBA PA
=> CLASSIFIED ADS - Buy, Sell or Trade
=> WEATHER REPORT
Loading...