nakatitig sa kawalan
ang malalim na isipan
naghahanap ng lagusan
ang ligaw na kapalaran
may dungis ang alaala
isang pintang ‘di mabura
ng larawang naging obra
‘di mawaglit sa memorya.
luhang hindi dumalislis
nag-iipon ng himagsik
nagsusumiksik sa dibdib
kinakapos na ng bait.
ang payo ng nagsangguni
ay limutin kung maari
ngunit multong umuuli
sa diwa ay nanatili.
dahil kalaban ang takot
sumusungaw pa ang lungkot
walang lakas na mahugot
hinahabol ng bangungot.
sarili ay ‘di madaya
sinentensiyahang kusa
nakapiit sa gunita
maghihintay ng paglaya.
Salamat sa tulang iyong inilahad
Parang ang buhay dito'y nabantad
Lalo na kung sa karera ika'y iigtad
Habol ng bangungot mo'y mabilad
Kaya ang karera'y gawing dibersyon
At 'di dapat gawin itong "occupation"
Sa panalo'y 'wag sobra ang emotion
Dahil pag natalo ika'y magkukumbulsyon...
