Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 02:58:10 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News:
 
   Home   Help Radio Login Register LIVE RACES  
Today at 02:54:03 PM nelsonlee - calracing.com
Today at 02:36:02 PM blink - i can or should i say we can...
Today at 02:18:52 PM CHOLS - GAndang hapon po sa lahat...
Today at 01:46:17 PM jam_attaq - spanish sa pinas ba kau?
Today at 01:28:43 PM spanisheyes - meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today at 01:27:58 PM mikonoro11 - gud pm bayang karerista
Today at 01:27:55 PM spanisheyes - meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today at 01:16:22 PM rickyg - okey mam, nite nite
Today at 01:15:54 PM sexy eyes - sleep lng muna ako coach ricky..sir gab...tito boy dreamrose..aga...at sa mga naka online...laterz
Today at 01:12:49 PM sexy eyes - kya ito kararating ko lng galing work silip ako dito bhy

View All


Pages: [1] 2 3 ... 22
  Print  
Author Topic: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!  (Read 13398 times)
0 Members and 4 Guests are viewing this topic.
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« on: March 15, 2008, 01:15:43 PM »

Dear PHF members, pwede nyo po i-post dito ang sarili ninyong tula...

or... pahapyaw na balagtasan... bulacan man or any style!!!

Pwede rin po tayo magkwentuhan sa pamamagitan ng balagtasan!

Eto po ang una kong contribution...

LIKAS NA YAMAN

Napakaganda nitong ating mundo
Bakit wala nang nagmamalasakit dito,
Lahi ng mga hayop ay nagkakaubos na
Nangangawala na rin pati lahi ng isda!

Magagandang halaman, matataas na puno
Dati kong nakikita,  mayabong at malago,
Ngayo’y wala na sa kalbong mga bundok
Wala nang makita saan mang mga sulok!

Nakita ng mga tao masamang ibinunga
Pagwawalang bahala sa yamang likas nga,
Mga bundok ay gumuho, dagat ay umapaw
Maraming nasalanta sa mundong ibabaw!

Kailan ka pa gigising taong marikit
Diyos sa iyo’y nakatingin, ‘di pumipikit,
Hihintayin mo pa bang malagay sa panganib
Tanging mundo nating tigib ng pag-ibig!

 Embarrassed Grin
« Last Edit: May 12, 2008, 08:11:54 PM by eufsangels » Logged


Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #1 on: April 26, 2008, 09:48:44 AM »

Akin lang huhukayin itong nabaong hibla,
Upang batiin kayo ng magandang umaga.
Kayo ba'y pinalad sa liyamadong karera?
Kagabi'y tiyak silat mga dehadong karerista!

Sana'y ngayong araw, sila nama'y palarin,
Upang ang kalungkutan sadyang pawiin.
Mga dehadista o' mga liyamadista rin,
Makahakot kahit konti man lang pandiin!

Kalahating araw ang trabaho pag Sabado,
Kaya itong tula ko'y akin nang ibubuslo!
Magandang umaga muli aking mga katoto,
Mabuhay ang PHF at tayo sana'y lumago!


 Grin  Grin  Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
Alasan
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:June 11, 2009, 05:49:35 AM
Location: manila
Posts: 843


WWW
« Reply #2 on: April 29, 2008, 05:56:14 AM »

Tito EUFS tanggapin mo
Ang masigabong pagpupugay ko.
Ikaw pala talaga ay isang henyo
Pag tulaan ang kategoryo.

Magandang title ay KALIKASAN
Dahil para hilig mo ay malunasan.
Ang lungkot mo ay pupunasan
Ng konting joke na bibitawan.

Ako po ay nagmula sa bayang Mandaluyong
Na dahil sa bahaan, kayo ay lulusong.
Sariwa ang hangin na parang bumubulong
Kaya nga po siguro... ako ay naging GUNGGONG!
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #3 on: April 30, 2008, 05:23:54 PM »

Salamat! Salamat, Ginoong Alasan!
Sa Balagtasan ay tunay na may alam!
Magiting na tulero, ika'y ibinilang!
Ika'y isang haligi dito sa Tambayan!

Ang bihirang talino ng isang manunula,
Sa bawat sampu, may isang makukuha!
Ang isang Alasan pag tumudling ng tula,
Tiyak na ito ay isang obra-maestra!

Teka muna at parang ako'y sumisipsip,
Ang tula ko nama'y gusto kong umihip!
Upang ang may kaalaman subukang i-ukit,
Mga hiblang tula nila'y dito na ilakip!

Kaya mga pinagpipitaganang tulero,
Mga siniping tula ay iparada dito.
Ating hasain ang angking talino,
Isang karunungan ng lahing Pilipino!

 Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
Alasan
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:June 11, 2009, 05:49:35 AM
Location: manila
Posts: 843


WWW
« Reply #4 on: May 05, 2008, 09:39:26 AM »

Katotong EUFS, akin lang napansin
Napakalalim pala ng tinuran mong TUDLING.
Ang akala ko nga sa Inggles ito'y SAPLING
Iyun pala'y katulad yan ng gawi sa farming.

Iba po ang Hiram, iyan ang Borrowing,
Iba rin ang kasunod, iyan po ay Following,
The right word is a column also known as FURROWING
Ayon po iyan kay TEDBOR na katoto rin natin.

Ipagpaumanhin kung akin pong pipigilan.
Ang paggamit ng TULERO sana po iyong tigilan.
Summer po ngayon at uso ang pungusan
Alam mo na! Nakakatakot pag-usapan.
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #5 on: May 12, 2008, 08:05:45 PM »

Hukayin ko muna ang natulog kong hibla...

O' anong kay sarap maging karerista,
Lalo na kung kabayo mo'y laging una!
Mga tips mong bigay ng mga kakilala,
Sa PHF Forums ay lagi kang basa-lista! Grin

Subalit, ngunit, datapwat at bakit,
Meron isang hiblang "BOX" na marikit!
Biglang naging issue hiblang nahaplit,
Si Francis ay naging kalamay na malagkit! Cry

Saan mang forum na aking kinabilangan,
Meron naman laging hindi pagkakaunawaan!
Ang mahalaga ay laging nating pagtuunan,
Ang kahalagahan ng salitang pagkakaibigan! Cheesy

Dito sa PHF ay may mga nangyari na pala,
Noon pang ang forum na ito ay 'di pa kilala!
Mga manghihimagsik na nagbalak itumba,
Itong butihing site na si Uchiro ang humulma!

Mabuti na lang at sa lakas ng samahan,
Ang Moog ng PHF ay nanatiling sandalan!
Mga bagong kasapi biglang nag-usbungan,
Isa ang yung lingkod, eufsangels ang pangalan! Grin

Ang mahalaga sa isang magandang samahan,
Ang pagiging tao natin ay huwag kalimutan!
Tayo ay nilalang na madalas may kamalian,
Kaya ang pagpapatawad ay laging ilaan!

Kaya ngayon ako sa inyo'y nagbubuyi,
Dahil ang pamunuan mahusay na pinili!
Sana ang PHF ay matagal na manatili,
Lumago at dumami pa ang mga kasapi! Cool

MABUHAY TAYONG LAHAT!
Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
Alasan
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:June 11, 2009, 05:49:35 AM
Location: manila
Posts: 843


WWW
« Reply #6 on: May 13, 2008, 08:53:50 AM »

Ipagpatawad po, ako'y hindi makasagot
Sa mga serious topics ako po'y nababagot
Lalo pa't tungkol sa mga malalapot
Ang reply ko po - tanging POT, POT, POT.
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #7 on: May 13, 2008, 12:46:23 PM »

Ipagpatawad po, ako'y hindi makasagot
Sa mga serious topics ako po'y nababagot
Lalo pa't tungkol sa mga malalapot
Ang reply ko po - tanging POT, POT, POT.

Sa edad kong ito, Kaibigang Alasan,
Ay hindi rin dapat sa serious na usapan.
Baka lumagpas sa taas na isang daan,
Aking diastolic na laging' minamanmanan! Grin

Ngunit 'di maiwasn na magbigay diwa,
Marahil na rin sa pagiging makata!
Sa balagtasang sa lolo ko nagmula,
Katwira'y ilalahad sa aking mga tula!

Itong si Francis na tila kinakahon,
Magmula ng sa PHF muling umusbong! Grin
Akin lang maipapayo bilang isang tyong,
Hinay hinay sa pag-post ng 'yong KAHON!

At sa mga magigiting na mga kaibigan,
Dito sa PHF 'wag sanang mag-alinlangan!
Tayong nagtitipon sa malaking bulwagan,
Magsamang maluwat at maging magkaibigan! Cool Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
Alasan
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:June 11, 2009, 05:49:35 AM
Location: manila
Posts: 843


WWW
« Reply #8 on: May 14, 2008, 03:19:35 PM »

Katoto kong EUFS, tunay kang makata
Mahilig sa laro kahit tayo'y di na bata.
Pero sa karera ako ngayo'y saling-pusa
Dahil seklog po ang aking pantytaya.

Ang karera sa akin ay isang libangan.
Sariling diskarte para walang sisihan.
Laging dehado ang napupusuan
Dahil kay liit po ng aking puhunan.
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #9 on: May 24, 2008, 12:12:42 AM »

Kumusta na po mga kapanatiks?
Sana kayo ay hindi pa naghihilik!
Sumampa na ang umagang tahimik,
Alas dose na'y panay pa ang pitik!

Sa computer keyboard na pinipindot,
Aking ninanamnam tulang pina-aabot!
Sa mga kasamang ang buhay' umiikot,
Dito sa Tambayang karerista ang hakot! Smiley

Marahil kakaiba itong tulang tinitipa,
Dahil ang tiyempo'y madaling araw na!
Ngunit pipilitin na mabuo itong hibla,
Sa isang pagbati ng magandang umaga!
Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
kites182
Administrator
*******
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:56:25 PM
Age: 27
Location: valenzuela
Posts: 11720


kites as in saranggola =p


« Reply #10 on: May 24, 2008, 12:47:20 AM »

magandang umaga mga katoto,
ang take-all sana'y inyong nakopo.  Smiley
madalas ngayon ang dehado,
sana ang bukis ay iyong makoto.  Cheesy

taya na, taya pa,
sa shoutbox silip na.
sana may makakuha,
dehadong entry ha ha ha.  Cheesy



Logged

Wag kang magrereklamo kung ang pinili mong presidente eh manalo tapos lalong maging miserable ang buhay mo  Grin
Alasan
Core Member
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:June 11, 2009, 05:49:35 AM
Location: manila
Posts: 843


WWW
« Reply #11 on: May 25, 2008, 10:13:07 AM »

Tila nagkasayahan nang ang WTA ay tamaan
Hahahaha ang sagot naman ng karamihan.
Ala eh kinubra sa OTB na tinayaan
291 K ba yun? Baka hindi nakayanan.

Ano na ba ang balita sa isyung iyan?
Sa dami ng post pagbasa ay nakatamaran.
Tiyak namang replies ay mga pang-uyam
But in fairness, nagkasayahan ang bayan.
Logged
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #12 on: May 26, 2008, 07:18:35 PM »

Tila nagkasayahan nang ang WTA ay tamaan
Hahahaha ang sagot naman ng karamihan.
Ala eh kinubra sa OTB na tinayaan
291 K ba yun? Baka hindi nakayanan.

Ano na ba ang balita sa isyung iyan?
Sa dami ng post pagbasa ay nakatamaran.
Tiyak namang replies ay mga pang-uyam
But in fairness, nagkasayahan ang bayan.

Hindi makapaniwala, Kapatid na Alasan,
Na sa OTB lang kinubra itong tinamaan!
Sa pagkakaalam lubha nang karamihan,
Nanalo ng WTA hindi kayang bayaran!

Wala bang OTB na milyon ang benta?
O' di kaya naman kalahati ang makita!
Ako'y nangangarap OTB magtayo na,
Sa isang porsiyento ba ako'y kikita?

Sadyang kailangan ng ibang business,
Para ang OTB'y magkaroon ng success!
Malaking bulwagan at isang tindahan,
At mga inuming masarap sa lalamunan! Grin

Ngunit, subalit, datapwat, alalaon baga,
Ang tanong kung merong kayang ibubuga?
Isang OTB na magbayad ng malaking halaga,
O' talagang di kaya kahit saan, wala, wala nga!

 Wink Cheesy Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #13 on: May 27, 2008, 03:20:33 PM »

Minsan pag ang ulo'y may katigasan,
Walang mapapala kahit na tindigan!
Ang paumanhin na dapat ay sandalan,
Ay ibigay mo na mahal kong kaibigan!

Aking napagtanto na ang salitang "pride",
Ay nakakabalam sa iyong pagde-decide!
"Sorry lang po" and your pride will not hide,
Para ka sanang bagong laba sa sabong "tide"! Grin
Logged


Apo ni Balagtas!
eufsangels
Board Moderator
*****
Offline Offline

Gender: Male
Last Login:Today at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086


ernet / eufs


« Reply #14 on: May 27, 2008, 06:47:51 PM »

Karera sa San Lazaro'y biglang nawala,
Mga walang kadala-dala ay natulala!
Siniping WTA, Pick6, Pick5 at iba pa,
Ay pinunit bigla sa pagkakadismaya!

Ano ang nangyari at karera'y naunsiyami?
Ito na sana ang pagkakataong makarami!
Mga sinilip, kinahon, kinalas at pinili,
Sadyang nakarekta na ang mga pambawi! Grin

Datapwa't, sapagkat, ngunit at subalit,
Itong inipong puhunan na kahit maliit,
Nagbabakasakali na ngayon makasaklit,
Kahit pambili gatas, o' kay saklap, kay lupiit! Embarrassed
Logged


Apo ni Balagtas!
Pages: [1] 2 3 ... 22
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.108 seconds with 22 queries.