Pinoy Horse Fanatics
September 06, 2010, 02:53:33 PM
Welcome,
Guest
. Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
News
:
Home
Help
Radio
Login
Register
LIVE RACES
Today
at 02:36:02 PM
blink
- i can or should i say we can...
Today
at 02:18:52 PM
CHOLS
- GAndang hapon po sa lahat...
Today
at 01:46:17 PM
jam_attaq
- spanish sa pinas ba kau?
Today
at 01:28:43 PM
spanisheyes
- meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today
at 01:27:58 PM
mikonoro11
- gud pm bayang karerista
Today
at 01:27:55 PM
spanisheyes
- meron po ba kayo alam na horse racing online..ty
Today
at 01:16:22 PM
rickyg
- okey mam, nite nite
Today
at 01:15:54 PM
sexy eyes
- sleep lng muna ako coach ricky..sir gab...tito boy dreamrose..aga...at sa mga naka online...laterz
Today
at 01:12:49 PM
sexy eyes
- kya ito kararating ko lng galing work silip ako dito bhy
Today
at 01:12:30 PM
sexy eyes
- waaaa..hek hek hek....kung pwd lang ba eh kaso bawal net sa ofc...terminated...huhuhu&n... bsp;
View All
Pinoy Horse Fanatics
>
Anything Goes Here
>
TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN
(Moderators:
tampogi
,
eufsangels
,
arniebartley
) >
TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
Pages:
1
...
16
17
[
18
]
19
20
...
22
« previous
next »
Print
Author
Topic: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN! (Read 13397 times)
0 Members and 3 Guests are viewing this topic.
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #255 on:
September 22, 2009, 06:28:19 PM »
Magandang araw, mga minamahal
Nawa'y sumainyo pagpapala ng Maykapal
Madalang makatulâ sa trabaho'y supalpal
Kaya lagi na lang panulat ko'y nakabusal!
Mabuti at nariyan ka, mahal kong 'Insan
Upang 'yong punan ang mga pagkukulang
Pasasaan ba't dadalaw rin naman
Ang ibang kamakatang sa tulaa'y batikan!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #256 on:
September 23, 2009, 09:15:13 AM »
Magandang umaga, mga ginigiliw
Dito sa PHF na puno nang aliw
Sana'y panatag ang araw ninyo
Hanggang malubos ang buong linggo...
Logged
Apo ni Balagtas!
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #257 on:
September 23, 2009, 11:25:47 AM »
Mahal na Utol magandang umaga rin
Ganoon din sa ka-PHF mga kaibigan natin
Nawa ang Panginoon kayo'y pagpalain
Sa lahat ng inyong mga gawain!
Ako naman po ay mabuting-mabuti
Ilang araw na lang at balik sa home country
Muling makikita ang mahal kong family
At nawa'y makita rin, ka-PHF sa isang EB!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #258 on:
September 23, 2009, 11:33:07 AM »
Bon voyage sa iyo, mahal na kapatad
Sana'y maging tahimik ang 'yong paglipad
Tayo'y magpipiging sa 'yong pagdating
Sa dulang na malapad at puno ng kakanin...
Logged
Apo ni Balagtas!
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #259 on:
September 23, 2009, 11:42:02 AM »
Maraming salamat mahal kong Kapatid
Handang-handa na 'ko sa 'king pagbalik
Ang mga dalahin ay akin nang isinilid
Kasama na ang pasalubong na hitik!
Isalang mo na, araw ng ating piging
Upang 'di na ako muling makailing
Nang akin namang ka-PHF makapiling
Sa malapad na dulang sama-samang kumain!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #260 on:
September 23, 2009, 11:50:03 AM »
Maraming araw na ang nakatatak
Mga EB, pang-sports man o' payak
Pipili na lang ng araw na igagayak
Piging na ang lahat ay hahalakhak...
Logged
Apo ni Balagtas!
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #261 on:
September 23, 2009, 11:56:13 AM »
Mabuti naman at handa na pala
Ako na lamang ang mamimili ng petsa
Kun'di man isang araw kahit pa dalawa
Upang kayong lahat ay aking makasama!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #262 on:
September 24, 2009, 12:01:40 PM »
Gusto ko nga rin na ako'y makalarò
Sa bowling, billiards, basketball o kahit na pikô
Basta physical fitness ay hindi maglahò
Nais kong makasama sa inyong mga larô!
Nawa ay magkaroon din ng tennis club
Kahit pa madalang niyo akong masalakab
Sasapi rin ako kahit paglalaro'y madalang
Ang pagpapalakas ng katawa'y isinaaalang-alang!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #263 on:
September 24, 2009, 12:07:43 PM »
Sa iyong pagdating ay pangatlong araw na
Ang aming paligsahang bolilyo ang ginigiba
Ngunit kung magtatagal sa lupang sinilangan
May panahon pang magtuos tayo sa bolingan...
Logged
Apo ni Balagtas!
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #264 on:
September 24, 2009, 12:16:03 PM »
Maganda ang balakin mo aking Utol
Mainam mag one-on-one muna tayo sa Robinson's
Magharap tayo sa billiards at sa bowling
Upang malaman kung saang category ibabaling!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #265 on:
September 24, 2009, 12:21:53 PM »
Tama ka utol ko at tayo'y mag-bonding
Maglaro sa Robinson's ng bilyar at boling
Kasamang lahat, asawa't mga tsikiting
At matutuhan nila mga laro ng magiting...
Logged
Apo ni Balagtas!
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #266 on:
September 24, 2009, 12:25:09 PM »
Ako ay payag sa iyong mga plano
Para bang ako'y nabulol sa salitang eroplano
Ang ibig sabihin sa balak mo'y payag ako
Isama natin asawa't anak at masayang sigurado!
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #267 on:
September 29, 2009, 01:02:24 PM »
Ang aking unang alay na tula sa Tambayan na sinimulan ko noong Marso 15, 2008 ay tungkol sa Inang Kalikasan (Mother Nature)... kailangan pa ba nating ulit-ulitin ang tulang ito o' ipaalala sa inyo ang nangyari sa Ormoc City, Ginsaugon... at ngayon ang pinaka-maunlad na NCR at karatig pook...
LIKAS NA YAMAN
Napakaganda nitong ating mundo
Bakit wala nang nagmamalasakit dito,
Lahi ng mga hayop ay nagkakaubos na
Nangangawala na rin pati lahi ng isda!
Magagandang halaman, matataas na puno
Dati kong nakikita, mayabong at malago,
Ngayo’y wala na sa kalbong mga bundok
Wala nang makita saan mang mga sulok!
Nakita ng mga tao masamang ibinunga
Pagwawalang bahala sa yamang likas nga,
Mga bundok ay gumuho, dagat ay umapaw
Maraming nasalanta sa mundong ibabaw!
Kailan ka pa gigising taong marikit
Diyos sa iyo’y nakatingin, ‘di pumipikit,
Hihintayin mo pa bang malagay sa panganib
Tanging mundo nating tigib ng pag-ibig!
Logged
Apo ni Balagtas!
arniebartley
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:August 13, 2010, 08:33:01 AM
Age: 47
Location: Cavite / Iran
Posts: 920
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #268 on:
October 02, 2009, 08:28:05 PM »
Nakakapanlumò
Ang huling sakuna ay nakakapanlumò
Aking nabalitaan ang Pilipinas ay 'ginupò
Ang bagyong si Ondoy parang torong sumurò
Lakas ng hangin niya't ulan sa kabuhaya'y nagpaguhò!
Ang ganitong pangyayari'y nakalulungkot isipin
Dahil sa kamangmangan ng mga pinuno natin
Mga puno'y tinabas at bundok ay pinatag din
Kaya naging pananggalang ay mga buhay natin!
Mga putik ang nagtabon doon sa mga bangkay
'Di ba kung tubig lang, baka sila pa ay buhay?
Hindi kaya ito ay galing doon sa Montalban
Na inanod ng bahâ ang hinukay na putikan?
Kahit pa aminin na sila'y nagkamalì
Mga pinuno nati'y 'di na dapat manatilì
Sa kanilang upuan dapat ay tsumupî
Dahil higit pa sa nangyari ang kanilang mga gawî!
Sila ay masahol pa roon kay Ondoy
Marami pa silang ilulubog sa kumunoy
Dalangin ko na lang na sila'y maitaboy
Bago pa sila'y sunugin sa asupre't apoy!
Wala na nga ba tayong mapagpipilian?
Mga pinuno ng bayang matitino ang isipan?
Wala na bang isip ang mga mamamayan?
Tayo ba'y kayang bulagin ng kamangmangan?
Logged
Apo Ni Balagtas
Manunulà at Manunulat
eufsangels
Board Moderator
Offline
Gender:
Last Login:
Today
at 12:45:41 PM
Age: 52
Location: cavite
Posts: 6086
ernet / eufs
Re: TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN!
«
Reply #269 on:
November 28, 2009, 09:20:52 AM »
Agiw sa Tambaya'y aking papalisin
Maruming bulwagan ay wawalisin
Mga manunula, hala kayo'y gumising
Halina't magpunta sa ating mga piging
Meron sa hilaga, dakong Parañaque
Magkakaroon ng PALM Chapter EB
Sa dakong timog, doon sa Starmall
Billiards at bowling, may halong SML...
Logged
Apo ni Balagtas!
Pages:
1
...
16
17
[
18
]
19
20
...
22
Print
« previous
next »
Jump to:
Please select a destination:
-----------------------------
Lobby
-----------------------------
=> WELCOME AREA
=> Introduce Yourself
=> WEBSITE ASSISTANCE
=> Forum Rules & Guidelines
=> The PHF Family Tree
-----------------------------
General Category
-----------------------------
=> NOTICE to ALL GUESTS of PHF
=> DAILY DEVOTION
=> TODAY'S BIRTHDAY CELEBRANTS
=> ANNOUNCEMENTS - Your ATTENTION, please!
=> Greetings, Personals, kudos, etc.
=> Horse Lovers, Horse Owners, Horse Breeders and horse trainers
=> HORSE RACING around the WORLD
-----------------------------
RACING TIPS and INFO
-----------------------------
=> NOTICE
=> TIPSTERS CONTEST
-----------------------------
PHF SPORTS CLUBS
-----------------------------
=> PHF BADMINTON CLUB
=> PHF BILLIARDS CLUB
=> PHF BOWLING CLUB
-----------------------------
PHF Chapters
-----------------------------
=> CAMANAVA-BUL Chapter
=> Manila Chapter
=> Marikina Chapter
=> KYUSI Chapter
=> P.A.L.M. Chapter
=> Metro East Chapter
=> CALABARZON Chapter
=> OVERSEAS Chapter
-----------------------------
Anything Goes Here
-----------------------------
=> PHF UNIVERSITY
=> QUOTABLE QUOTES
=> Buhay Pinoy
=> TAMBAYANG TULA AT BALAGTASAN
=> Food, Drinks & Recipes
=> Religion, Values & Beliefs
=> BUHAY PROBINSYA at IBA PA
=> CLASSIFIED ADS - Buy, Sell or Trade
=> WEATHER REPORT
Loading...